RAYMART sa magulang ni CLAUDINE: Alam n'yo ang totoo, tulungan n'yo ang anak n'yo! | Bandera

RAYMART sa magulang ni CLAUDINE: Alam n’yo ang totoo, tulungan n’yo ang anak n’yo!

Ervin Santiago - September 02, 2013 - 03:00 AM


NANINIWALA pa rin si Raymart Santiago sa hustisya sa Pilipinas at gagawin niya ang lahat para mapatunayan sa buong mundo na puro kasinungalingan ang akusasyon sa kanya ng nakahiwalay na asawang si Claudine Barretto.

Ayaw nang magsalita pa ng kahit anong negatibo ang aktor laban kay Claudine para hindi na lumala ang iskandalong kinasasangkutan nila, mas iniisip daw niya ngayon ang buhay ng kanilang mga anak na sina Sabina at Santino.

Kamakailan ay nagsampa nga si Claudine ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) laban sa dating mister, pero ayon kay Raymart, hindi siya natatakot sa walang tigil na pagdedemanda ng aktres.

“E, nu’n pa naman kasi sinasabi niya na magpa-file siya ng VAWC. So, hinihintay naman namin at pinaghahandaan na namin yun. May pangsagot naman kami du’n,” ani Raymart sa isang interview.

Hirit pa ng aktor, “Puwede naman niyang sabihin lahat, lalo na mahilig siya sa media. Mahilig siya magpa-interview. Puwede naman ibato niya sa akin lahat ang gusto niya ibato, pero totoo ba ‘to?”

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang mga litratong isinumite ni Claudine sa korte bilang mga ebidensiya sa diumano’y pananakit niya sa dating asawa.

Sey ng aktor, “Puwede naman niya ibigay ang mga litrato o ebidensiya kung meron man siya. Ang tanong: Totoo ba ‘to at mapapatunayan ba niya?”

Wala ring balak ibandera ni Raymart sa publiko ang mga ebidesiyang hawak niya ngayon laban kay Claudine, sa korte lamang daw niya ito ipakikita.

Pero aniya, ang mga ito raw ang magpapatunay na inosente siya sa mga bintang ng nakahiwalay na misis. Sa official statement ng abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo, sinabi nitong, “Whatever photos or videos that Claudine has is a matter of evidence.

She made allegations in the complaint that she would need to prove. Raymart for his part, has strong and solid evidence to prove his defenses and we’re ready to dispute all of Claudine’s allegations one by one.

We’ll do it, though at the opportune time and at the proper venue.” Tungkol naman sa ina ni Claudine na si Inday Barretto na kung anu-anong masasamang salita ang pinagsasabi sa kanya, pero sey ng aktor, alam ng mga magulang ng aktres kung ano ang totoo.

“Siyempre kakampihan nila ang anak nila. Pero ang totoo niyan, alam naman nina Mommy at Daddy ang totoong nangyari, e. Alam n’yo ang totoo at tulungan n’yo ang anak n’yo,” chika ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending