3,172 residente ng Pandi, Bulacan nakatanggap ng ayuda mula kay Bong Go | Bandera

3,172 residente ng Pandi, Bulacan nakatanggap ng ayuda mula kay Bong Go

- March 28, 2021 - 10:15 AM

May kabuuang 3,172 na residente sa Pandi, Bulacan ang nakatanggap ng ayuda mula kay Senator Christopher “Bong” Go at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinagkalooban ang mga residente ng libreng meals, food packs, vitanmis, face masks at face shields bilang tulong sa panahong sinusuong ng bansa ng pandemya ng Covid-19.

May mga tumanggap din ng sapatos, bisikleta at computer tablets para magamit ng mga bata sa blended learning.

Samantala, ang mga kinatawan naman mula sa DSWD ay namahaggi ng cash assistance sa 1,600 na beneficiaries sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis program.

Nasa 1,572 beneficiaries naman ang nabigyan ng financial grants sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

“Layunin po ng SLP na bigyan ng kaukulang suporta upang makapagsimulang magkaroon ng sariling hanapbuhay ang mga kababayan nating mahihirap. Hindi lahat maaaring makapaghanap ng trabaho lalo na ngayon na dahan-dahan pang bumabalik ang sigla ng ating ekonomiya,” paliwanag ni Go.

Pinayuhan ni Go ang mga residente na lumapit sa Malasakit Center na matatagpuan sa Bulacan Medical Center at sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital kung sila ay nangangailangan ng tulong – medikal.

Ito ay one-stop shop para sa mga indigent patients kung saan maaring lapitan ang DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Batas ito na aking isinulong at naipasa nitong 18th Congress. Mayro’n na tayo ngayong 102 Malasakit Centers sa buong Pilipinas,” sinabi ni Go.

Ginanap ang serye ng aktibidad sa Mamerto C. Bernardo Memorial Central School, Pandi Sports Complex, Bunsuran Covered Court at San Roque Covered Court.

Ayon sa isa sa mga benepisyaryo na si Leonora Ong, 59-anyos, at isang cancer patient, malaking tulong para sa kaniya aat kaniyang pamilya ang ayuda na natanggap mula kay Go at sa DSWD.

Nangako itong gagamitin ang tulong para makapag-umpisa ng maliit na negosyo.

“Ako po ay may sakit na cancer stage 2. Nagpapasalamat ako kay Senator Bong Go dahil sa tulong niya sa akin. Masigla at nabuhayan ang puso ko dahil napakabait ni Senator. Kahit sobrang busy siya, nagawa niya pa kaming tulungan,” ayon kay Ong.

Isa rin sa mga nakinabanga ay si Teresa Zara, 65 anyos at walang trabaho.

“Wala po akong trabaho dahil may edad na ako at patay na din asawa ko. Simula ng nagkapandemya, mahirap. Nagtitinda ang mga anak ko ng kikiam, siomai, at maliit lang ang kinikita namin,” aniya.

Pinasalamatan naman ni Go ang mga lokal na opisyal sa lugar sa kanilang mga hakbang para matulungan ang mga residente ngayong mayroong pandemya.

“Kung may maitutulong pa kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, sabihan niyo kami at sa abot ng aming makakaya ay tutulungan namin kayo. Walang tulog ang aming serbisyo lalo na ngayon sa panahong pinaka-nangangailangan ang mga Pilipino,” pangako ni Go.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Apela ni Go sa publiko, palagiang sumunod sa health protocols, at makipagtulungan sa mga otoridad.

“Kailangang higpitan muna natin ulit ang mga patakaran. Maraming nagkukumpyansa masyado. Kailangan maitigil ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, lalo na sa NCR, upang hindi bumagsak ang ating health care system,” ayon kay Go, na siya ring chairman ng Senate Committee on Health.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending