Metro Manila, 4 na probinsya isasailalim sa ECQ
Isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magsisimula ang ECQ sa Lunes, Marso 29 hanggang Abril 4.
Sinabi ni Roque na ang pagpataw ng ECQ ay bunsod ng tumataas na kaso ng Covid-19 sa bansa.
Iiral ang curfew mula alas 6:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.
Pinapayuhan naman ni Roque ang publiko na huwag mag-panic buying dahil mananatiling bukas ang mga supermarket at mga palengke.
Itinaon aniya ang ECQ sa panahon ng Semana Santa.
Umaasa ang Palasyo na minimal lamang ang epekto ng ECQ sa ekonomiya dahil wala namang pasok sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.