2 online sellers ng Covid-19 test kits arestado sa Maynila | Bandera

2 online sellers ng Covid-19 test kits arestado sa Maynila

- March 27, 2021 - 04:10 PM

Nabitag ng mga tauhan ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group ang dalawang lalaki na nagbebenta online ng Covid-19 test kits.

Base sa ulat, sina Stephen Reyes at Patrick Jimenez ay nahuli sa Sta. Cruz, Maynila matapos maberipika sa Food and Drug Administration (FDA) na ipinagbabawal ang pagbebenta ng Covid-19 Antibody Test Kit.

Isang police poseur-buyer ang nakipag-transaksyon sa mga suspek at umorder online ng 60 kahon ng Clungene Rapid Test Kit sa halagang P408,000 kayat ikinasa ang entrapment operation.

Walang naipakitang mga dokumento ang dalawa na magpapatunay na awtorisado silang magbenta ng rapid test kit kayat inaresto na sila.

Nadiskubre na ang dalawa ang namumuno sa Christian Criminal Group na ilegal na nagbebenta ng test kits sa Sta. Cruz, Maynila.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending