Dominique at Bea, ano nga ba ang real score? | Bandera

Dominique at Bea, ano nga ba ang real score?

Bea Alonzo, Reggee Bonoan |March 20,2021
facebook
share this

Dominique at Bea, ano nga ba ang real score?

Bea Alonzo, Reggee Bonoan - March 20, 2021 - 04:27 PM

Mula sa Instagram ni Dominic Roque

Naka-concetrate pala sa mga negosyo niya si Dominic Roque kaya pala hindi siya visible sa series at pelikula, ayon sa kanyang manager na si Erickson Raymundo.

Nakapalitan namin ng mensahe thru text messages at Instagram ang Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment para kumustahin ang mga bagay-bagay sa mga alaga niya.

At isa nga si Dom sa kinumusta namin kung bakit hindi siya napapanood sa telebisyon o pelikula, “Puro digital work at endorsement lang tinatanggap niya,” sabi sa amin ni Erickson.

Mukhang effective naman ang aktor dahil may 1.8 million followers siya kaya marami ang nagtitiwala sa kanya.

Nabanggit ding mas concentrated sa negosyo niya si Dominic pero hindi alam ni Erickson kung anu-ano ang mga ito dahil hindi pa sila nagkakausap ng aktor.

Sabi namin na mukhang isa si Dominique sa investor cum endorser ng Clean Fuel dahil ilang beses niya itong pino-post sa kanyang Instagram na nag-o-open sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at nakita rin naming meron sa Mabalacat, Pampanga.

Actually maraming produktong ini-endorso si Dom kaya kahit wala siyang regular na programa at pelikula ay buhay na siya.

Diretsahan din naming tinanong kung anong tunay na estado nina Dominique at Bea Alonzo dahil sa mga panayam ng aktres kay Ian Veneracion at Ethel Booba ay napag-usapan nila ang plano ng dalaga, pero ni minsan ay hindi niya binanggit ang pangalan ng aktor na nauugnay sa kanya.

“Honestly di ko alam. Ayaw ko ring tanungin. Nag heart lang ako sa IG story niya pag feeling ko magkasama sila. Oo, hindi nga siya (Dominique) nababanggit,” sagot ng manager ng aktor.

Samantalang ang tiyahin ni Dom na si Beth Tamayo ay nadulas na pinayuhan niya ang pamangkin tungkol sa lovelife niya.

Anyway, curious kami kung ano ang ibig sabihin ng larawang pinost ni Dominique na nakayuko siya na kuha sa white sand na nilatagan ng kulay asul na kumot at nasa likod nito ang mga halaman. Kung hindi kami nagkakamali ay kuha ito sa Amanpulo noong magkasama sila ni Bea.

Ang caption ng aktor, “Everything’s gonna be alright (emoji musical note symbol).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano ng aba ang real score nina Dominique at Bea? Hindi pa ba sila aamin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending