Gabby pinuri si Sanya, hindi pasosyal, walang ere; First Yaya trending na, wagi pa sa rating | Bandera

Gabby pinuri si Sanya, hindi pasosyal, walang ere; First Yaya trending na, wagi pa sa rating

Ervin Santiago |March 17,2021
facebook
share this

Gabby pinuri si Sanya, hindi pasosyal, walang ere; First Yaya trending na, wagi pa sa rating

Ervin Santiago - March 17, 2021 - 10:00 AM

TINUTUKAN at pinag-usapan ng buong sambayanan ang world premiere ng pinakabagong GMA primetime series na “First Yaya” nitong Lunes (March 15).

Hindi pinalampas ng Kapuso viewers all over the world ang fresh and exciting team up nina Gabby Concepcion bilang President Glenn at Sanya Lopez bilang si Yaya Melody.

Bukod kasi sa nakamit ng serye ang third spot sa Philippine Twitter trends kagabi, nakapagtala rin ang “First Yaya” ng overnight NUTAM People rating na 23% mula sa tatlong channels (GMA 7, GMA Heart of Asia at GTV) base sa data ng Nielsen Philippines.

Bumuhos din ang positive feedback mula sa netizens na naantig ang puso sa kwento ni Yaya Melody.

“Just watched First Yaya’s pilot episode. The storyline looks so promising! The characters are all relatable. I started losing it when Gemrose and  Melody played the ‘Ilong2x’ game.

“Grabe na ‘yung iyak ko pilot episode pa lang! Already excited for tonight’s episode! #MeetTheFirstYaya,” komento ng isang viewer.

Samantala, nauna nang ibinahagi ng cast members ng “First Yaya” na pamilya na rin ang turingan nila sa isa’t isa matapos sumabak sa lock-in taping nang ilang linggo.

Puring-puri nga ni Gabby ang leading lady niyang si Sanya dahil bukod sa napakagaling na artista ay magaling din itong makisama.

Sabi pa nga ni Gabby, isa sa mga nagustuhan niyang ugali ni Sanya ay ang pagiging humble at totoong tao nito, as in wala raw kaere-ere.

“Hindi siya pasosyal. Nag-bond kami kaagad dahil ‘yun ang masarap makasama. ‘Yung normal na tao lang. Walang kaere-ere. ‘Yun ang pinortray niya as Melody dito sa First Yaya,” sey ni Gabby sa panayam ng GMA.

Sey naman ni Sanya, ibang klase ring makisama si Gabby kaya hindi na siya nahirapang mag-adjust sa kanilang trabaho kahit first time lang silang magkasama sa serye.

“Sobrang sarap kausap ni Sir Gabby Concepcion. As in grabe! Tsaka magaling siya mag-adjust sa lahat. Kaya niyang makipagsabayan sa amin. Napa-TikTok ko siya. Hindi pala siya sumasayaw,” masayang chika ni Sanya.

Inamin naman ng Kapuso sexy actress na dahil ito ang unang pagkakataon na sumabak siya sa isang romcom series, talagang nangangapa pa siya.

Pero aniya, nang tumagal ay naging madali na rin para sa kanya ang lahat sa tulong na rin ng kanilang direktor na si LA Madridejos.

“Ang sinabi lang sa akin ni Direk LA na talagang tinatandaan ko, naming lahat, e lagi niyang pinapaalala na, ‘Maging totoo ka lang. Maging ikaw lang. Hindi mo kailangan umarte kasi habang pinapanood kita sa vlog mo ‘yun si Yaya Melody,’” ani Sanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “First Yaya” sina Pancho Magno, Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Maxine Medina, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Cai Cortez, Rechie del Carmen, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro, Anjo Damiles, Jerick Dolormente, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, Patricia Coma at Thou Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending