G Tongi naturukan na ng COVID-19 vaccine sa US, kabilang nga ba sa frontliners?
MARAMING nagtanong sa dating aktres at TV host na si G Tongi kung bakit nakapagpaturok agad siya ng COVID-19 vaccine sa Los Angeles, California.
Ibinandera kasi ng dating Kapamilya star na natanggap na niya nitong nakaraang aras ang una niyang shot para sa bakuna kontra-COVID-19.
Ipinost ni G Tongi sa Instagram ang kanyang litrato hawak ang kanyang COVID-19 Vaccination Record Card bilang patunay na naturukan na siya.
Ang nasabing record card ay mula sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC. Ito ang national public health agency ng Amerika.
Ang inilagay na caption ng aktres sa kanyang IG post ay, “Exactly a year today that the World Health Organization announced that we are in a pandemic.
“I got my Pfizer shot and the process took literally 17 minutes [15 of which were waiting after the shot].”
“Please get vaccinated when it’s your turn. #covidvaccine,” paalala pa niya sa lahat.
Dahil dito, may mga netizens na nagtaka kung bakit nabakunahan na agad si Giselle – nabigyan daw kaya ito ng special treatment kaya napasama sa mga naturukan na?
Ang tanong pa sa kanya ay kung kasali ba siya sa “priority group” na nasa US na siyang unang tatanggap ng “immunization shot” kung saan kabilang nga ang mga healthcare workers.
Ito naman ang sagot sa kanila ni G, “I fall under the food and agriculture industry, yes.”
Nakasaad sa CDC na, “people under the food and agricultural workers are part of Phase 1b under the category of frontline essential workers.”
Bukod sa frontline essential workers, “People aged 75 years and older are also under Phase 1b given their high risk of hospitalization, illness, and death from COVID-19.”
“Following Phase 1b is Phase 1c, which covers people aged 65 to 74, 16 to 64 with underlying medical conditions, and other essential workers.”
Ilang taon na ring naninirahan si G Tongi sa Amerika kasama ang asawang si Tim Walters at ang mga anak nilang sina Kenobi at Sakura Anne.
Doon na rin naka-graduate ang aktres with bachelor’s degree in communication studies sa University of California in Los Angeles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.