Maja tinawag si Pooh na manyak | Bandera

Maja tinawag si Pooh na manyak

Reggee Bonoan |March 13,2021
facebook
share this

Maja tinawag si Pooh na manyak

Reggee Bonoan - March 13, 2021 - 06:35 PM

“Mas gugustuhin ninyo bang mabuhay na mabaho ang hininga o may putok?” isa lang ito sa tanong kina Maja Salvador at komedyanteng si Pooh sa latest vlog ng aktres sa kanyang Meet Maja YouTube channel.

Si Pooh ang guest ni Maja sa kakanin mukbang challenge nila na ayon sa aktres ay paborito niya talaga ang mga kakaning ito tulad ng biko, kutsinta, sapin-sapin, putong malagkit at sasabayan ng mainit na kape.

Nainggit kami kaya habang pinapanood namin ang vlog ng dalaga ay napatimpla rin kami ng kape at sinabayan ng mainit na pandesal na may peanut butter.

Anyway, ang sagot ng dalawa sa tanong kung mabahong hininga o putok ang mas gusto nila.

Naunang sumagot si Maja, “Siguro may putok na lang kasi maraming deodorant diyan, itotodo mo lang ang paghilod at saka ang pagkain mo malinis lang hindi puro sibuyas.”

“Ay mas gusto ko ang mabaho ang hininga. Kung ayaw mo ng may kausap, hingaan mo lang or may mask (face mask) hindi na obvious masyado (sabay amoy ng hininga). Actually, I’m referring to myself, ha, haha,” tumawang sabi ni Pooh.

Dagdag pa, “At least kung may mangungutang sa ‘yo, ‘ha (sabay lapit ng bunganga), wala akong pera’.”

Nauwi na sa debate ang dalawa, sabi ng aktres, “Pag may putok, puwedeng mag roll on deodorant pa, eh.”

“Ganu’n din naman pag mabahong hininga puwedeng mag toothbrush,” katwiran ng komedyante.

“Pag maabaho ang hininga, hindi ka magkaka-dyowa no’n,” diin ng aktres.

“Grabe naman ang sumpa na ‘yun, tayo-tayo lang pagtanda ikaw lang ang masaya?” giit naman ni Pooh.

Balik-tanong ni Maja, “E, ayaw ng mga lalaki ang (mabaho ang hininga), paano hahalikan?”

“Hindi naman laging gusto may halikan, puwedeng ganu’n (sabay muwestra ng kamay ni Pooh na pinasasaya ang lalaki),” paliwanag ng aktor.

“R-18 pala ito mga friends, next question na lang,” natawang sabi ni Maja.

Ano mas gusto ng dalawa, may extrang kamay o paa?

“Paa ‘coz I’m a dancer (sabay pakita ng TikTok na sumasayaw si Maja), para mabilis lahat ng kilos,” tumawang sabi ng dalaga.

“Parang traysikel may extrang gulong? Mas maganda kung tatlong kamay, maraming nagagawa, habang naghihiwa ka ng sibuyas sinasalang mon a sa kaldero ‘yung kaldero tapos ‘yung (isa) hinuhugasan mo naman ‘yung karne so multi-tasking, ‘yun nga lang octopus ka non,” paliwanag naman ni Pooh.

‘Yun nga pag may tatlong paa mabilis ka, parang centipede ka no’n. mabilis nga,” sabi rin ni Maja.

Hirit pa ni Pooh, “At pag tatlong kamay mo, puwede ka ring tatlong dyowa.”

Natawa ang aktres, “Ang lala no’n?”

“Manyak ka na no’n, kaliwa, kanan at harap,” tumawang sabi ng komedyante,

Mas gustong tumira sa lugar na malamig forever o sa mainit katulad ng desert?

Naunang sumagot si Pooh ay ibinuko si Maja, “Hindi siya mahilig sa malamig, ‘yung kuwarto niya ang init-init.”

Susog naman ni Maja, “At kaya kong matulong ng walang fan at walang aircon.”

Dagdag ni Pooh, “Ay may kumot pa ‘yan, partida. So, mas gusto ko sa malamig kasi makakapag adjust ako ng may kumot, may comforter at may heater. O, ikaw kung hindi ka mamaho sa disyerto.”

“Kaya nga nagka-putok, eh,” tumawang sagot ng aktres. “Enjoy na enjoy ko kapag nagdu-Dubai ako. Sa set tagaktak na ang pawis ng mga kasama ko, ako kalmado lang, pero pag malamig, walang tigil ang bibig ko sa reklamo.

Walang ngipin o walang panlasa.

“Foodie ako, eh. Ang hilig kong kumain. Okay lang kahit supsup basta’t may lasa,” katwiran ni Maja.

Si Pooh ay okay mas gusto sa walang panlasa, “Unang-una hindi ako kumakain ng talaba saka hito patu ‘yung durian makakain ko na.”

Ano ang mas gusto, sobrang talino o sobrang suwerte sa buhay

“Okay na ako sa sobrang talino kasi magagamit mo ng tama ‘yung utak mo para maging maswerte,” katwiran ni Pooh.

“Mas gugustuhin ko na ang masuwerte kasi pag nag-aral ako, tatalino ako,” sabi naman ni Maja.

“Oo nga ‘no, nakapasa ka, ang talino mo?” sang-ayon ni Pooh.

Mahal mo o Mahal ka?

“Ako mahal ko. Mas okay na ‘yung ako ‘yung nage-effort, ako ‘yung nagbibigay. Hindi man ako mahalin, at least naibigay ko ‘yung tama para sa kanya. And that’s unconditional love.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung mahal ako okay lang, parang napaka-irresponsible ko naman kung siya lang nagmamahal for me,” paliwanag ni Pooh.

Sagot naman ni Maja, “Ako kasi clingy.” Na ibig sabihin ng dalaga ay mahal niya at mahal din siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending