Hindi na matutuloy ang kasal ng singer na si Jennifer Lopez sa dating New York Yankees baseball star na si Alex Rodriguez, ayon sa ulat ng US media.
May apat na taon ding naging magkasintahan sina J.Lo, 51, at si Alex, 45. Noong nakaraang taon ay bumili pa sila ng bahay sa Miami na nagkakahalaga ng $40 million.
Kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay na iniulat ng TMZ.
Nasa Dominican Republic si J.Lo para sa shooting ng isang pelikula at nitong Huwebes ay nag-post sa social media ng ganito, “Find a good reason to laugh today.”
Si Alex naman ay nag-post ng kanyang larawan habang nakasakay sa isang boat sa Florida.
Bagama’t ikinagulat ng maraming fans ang balita, ang paghihiwalay ay dati na ring inaayos ng dalawa.
“This has been a long time coming,” isang source ang nagsabi sa People magazine.
“They are tied in their business worlds so it’s not a cut and dry break up. It’s taken a while for them to even think about untangling it all.”
Mula sa ulat ng Agence France-Presse
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.