Ken Anderson nadamay sa galit ng bashers matapos kampihan si Gerald | Bandera

Ken Anderson nadamay sa galit ng bashers matapos kampihan si Gerald

Ervin Santiago |March 12,2021
facebook
share this

Ken Anderson nadamay sa galit ng bashers matapos kampihan si Gerald

Ervin Santiago - March 12, 2021 - 09:11 AM

NANG dahil sa pagtatanggol sa kuya niyang si Gerald Anderson, naba-bash na rin ngayon ang actor-photographer na si Ken Anderson.

Binabatikos ngayon ang binata dahil sa pakikisawsaw nito sa kontrobersyal na pag-amin ni Gerald sa tunay na relasyon nila ni Julia Barretto.

Siyempre, kinampihan nito ang Kapamilya hunk actor na nakatikim ng masasakit na salita mula sa netizens, kabilang na riyan ang mga hate comments mula sa supporters ng ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Nag-post kasi si Ken sa kanyang Instagram account ng litrato ng sunset kung saan makikita ang silhouette ng tatlong lalaki na pinaniniwalaang sina Gerald, Ken at ang tatay nilang si Gerald Randy Anderson, Sr..

Ang caption na inilagay ni Ken dito ay, “Anderson boys, judged by many, known only by few.” Ginamitan pa niya ito ng #TeamAnderson.

Ni-repost din ni Gerald ang nasabing photo sa kanyang Instagram Story.

Iba-iba ang naging reaksiyong ng netizens sa IG post ni Ken, merong kumampi at sumuporta sa kanya pero marami rin ang nangnega.

Sey ng isa niyang follower, hindi naman siya kasali at ang kanyang ama sa hinuhusgahan at binabanatan ngayon, ang kapatid lang niya ang may issue kaya wala raw itong karapatang magsabi na dyina-judge ang buong pamilya ni Gerald.

Bwelta naman ni Ken, isang pamilya lamang sila kaya one for all, all for one ang labanan at karapat daw niyang damayan ang kapatid sa oras ng pangangailangan.

“If one of us falls we all fall, one of us rise we all rise,” depensa pa ng binata na hindi na gaanong aktibo ngayon sa pag-arte.

Kung matatandaan, pansamantalang nawala sa eksena si Ken dahil nagdesisyon siyang mag-aral ng filmmaking at nakagawa na nga ng ilang projects off cam.

Nauna rito, nag-post din ang aktor ng isang litrato sa IG na pinaniniwalaang pagpapakita pa rin ng support nila ng ama kay Gerald.

Nasa picture sina Gerald, Ken at ang tatlo pa nilang katropa, kabilang na ang naging kaibigan ni Gerald sa “Pinoy Big Brother Teen Edition” na si Fred Payawan.

Nabanggit ni Ken sa caption na taong 2006 pa nagsimula ang kanilang friendship at nananatiling matatag hanggang ngayon.

Hindi masyadong nagpo-post si Ken mga litrato nila ng kapatid sa IG kaya kapansin-pansin ang pagbibigay niya ng importansya ngayon sa kanyang kuya na inaatake ngayon ng haters sa social media.

Kamakailan naman ay pinag-usapan ng netizens ang pag-like ni Ken sa controversial IG post ni Bea matapos ibandera ni Gerald sa madlang pipol ang relasyon sila ni Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!” ang bahagi ng caption ng aktres with matching laughing face with tears emojis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending