Julia halos isumpa ng bashers: Kahit ang ganda na ng nagawa mo, meron pa rin silang masasabi
“MAMATAY na lang kayo sa inggit!”
Mukhang yan ang nais ipagsigawan ni Julia Barretto sa lahat ng nangnenega sa relasyon nila ni Gerald Anderson.
Halos isumpa na kasi ng mga netizens ang magdyowa matapos aminin sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Kulang na lang ay ipako na nila sa krus ang dalawa nang dahil lamang sa kanilang pag-iibigan.
Bukod sa pamba-bash sa kanila ni Gerald dahil umano sa panloloko nila kay Bea Alonzo, umani rin ng batikos ang birthday pictorial ni Julia na ipinost niya sa Instagram.
Pero tila natutunan na nga ng dalaga ang “art of dedma” at magpakamanhid sa mga pambu-bully sa kanya sa social media dahil hanggang ngayon ay nananatili lamang siyang tahimik.
Sa latest vlog ng celebrity photographer na si BJ Pascual na siya ring nasa likod ng mga birthday photos niya sa IG, ipinaliwanag ni Julia ang kanyang saloobin tungkol sa mga bashers at haters na walang ginawa kundi ang hanapan siya ng mali.
“The older I’m getting, I’m slowly starting to realize how important it is to compartmentalize — what matters and what doesn’t matter,” pahayag ng dalaga.
“Sometimes, when it’s the opinion of people who don’t have a significant role in your life, who really don’t matter to you, who you don’t even know, I’m never going to be affected by it. You don’t know me, I don’t know you, we can’t judge each other. It’s just not possible,” paliwanag pa ng girlfriend ni Gerald.
Mas mahalaga pa rin daw sa kanya ang sasabihin at opinyon ng kanyang pamilya at mga kaibigan na totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Tanggap na rin daw niya ang katotohanan na, “Whether you do something good or bad, people will always have something to say.
“So keep going, keep doing you. Wala, may masasabi, e. Kahit ang ganda na ng nagawa mo, meron pa rin silang masasabi. May taong ganoon, e,” aniya pa.
Pinipili rin daw niya ang papatulan sa social media, kabilang na rito ang mga banat laban sa kanyang pamilya, “But I won’t pay back bad for bad. I believe in paying back good sa bad. Fight a good fight of faith, ‘di ba, sabi sa Bible.
“I’m always hoping for the best for them everytime I reply. For you to be talking to me this way, you must be going through something.
“Kung at peace ka, masaya ka, you’ll not talk to anybody that way. I look at it na, maybe they’re not okay, maybe there’s something they want to improve or change in their life na hindi pa nababago.
“I just don’t want to judge also, because I know what it’s like to be judged,” sabi pa ni Julia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.