Carlo Aquino may kwento kay Erich Gonzales bilang first time tatay
https://youtu.be/ZQ01SIZ45KU
Walang sinasayang na oras si Erich Gonzales dahil habang nasa lock-in taping siya ng teleseryeng “La Vida Lena” ay nagba-vlog pa rin siya kapag break time nila. At inisa-isa niyang i-guest sa kanyang YouTube channel ang co-actors niya tulad nina Sofia Andres, Kit Thompson, JC de Vera at si Carlo Aquino.
Si Caloy ang latest guest niya sa vlog niya. Alam naman ng lahat na bihirang magpa-unlak ng panayam ang aktor na hindi lang niya matanggihan ang aktres bilang isa siya sa leading man sa “La Vida Lena.”
Sabi nga ni Erich ay si Carlo ang next niyang nabudol.
“Kinakabahan talaga ako kasi hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko,” sabi ng aktor.
Nagulat ang aktres na mahigit dalawang dekada na pala sa industriya si Carlo na ayaw banggitin ng huli kung ano ‘yung saktong taon siyang nagsimula sa showbiz.
Base sa Wikipedia ay nagsimula si Carlo sa showbiz noong 1992 sa edad na 7. Gumawa siya ng tatak sa pelikulang “Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa” kasama si Vilma Santos noong 1998 sa linya niyang, “Akala mo lang wala, pero meron-meron.” Sa 2022 ay ay tatlong dekada na sa showbiz ang aktor.
Pinaulit nga ulit ni Erich ang linyang iyon kay Carlo na ginawa naman nito. “Sobrang thankful ako parang doon nag- ano (muwestrang pataas ang career). Pero ang first ko Cedie (1996).”
Dagdag ni Erich, “Ikaw din ‘yung sa Kokey (1997).”
Um-oo naman ang aktor, “gusto ko makita uli si Kokey.”
Sa tanong ni Erich kung sumagi sa isipan ng aktor na huminto na sa pag-aartista.
“Oo, kasi may time kasi na walang masyadong ginagawa, walang masyadong project. Or may project pero mga indie. Eh siyempre kapag mga ganu’n, hindi naman ganu’n kaganda ‘yung TF, ‘di ba. Eh kailangan ko mag-support for the family.
“Hindi ko naman nirereklamo ‘yun kasi gusto ko rin naman ‘yun. Pero ‘yun, inisip kong mag-ibang bansa. Pero maga-aral muna ako kasi hindi rin naman ako nakapag-tapos. Basta ‘yung desisyon na ‘yun is based dahil kailangan kong makapag-provide for the family. Napag-usapan natin di ba na pareho tayong family oriented, di ba?”paliwanag ng aktor.
Pero hindi naman natuloy na linasin ni Carlo ang showbiz dahil may mga dumating pa ring offers sa kanya.
“Thankful talaga ako dahil parang ginawa ako para maka-arte,” say ng aktor.
“Oo The Great Carlo Aquino you’re so good sa pag-arte talaga. Like ito po first time naming magkatrabaho, ang project na ‘yun ‘Midnight DJ’ kasama namin sina Oyo (Boy Sotto), manananggal siya (Carlo). Ito talaga nakita ko kung gaano kahusay ‘tong batang to sobra as in first eksena ko palang sa kanya,” balik-tanaw ng aktres.
At dito na nila binalikan ang mga hindi maliimutang scenes sa ‘Midnight DJ’.
“Then sunud-sunod na ‘yung drama namin, ang galing titingin ka lang (Carlo) hindi kailangan ng words,” saad ng dalaga.
“Sabi nga nila mas mabuti pang walang dayalog si Carlo,”natawang sabi ng aktor.
Inamin din nito na kapag nalilimutan nito ang linya ay hiyang-hiya siya sa ka-eksena niya.
“First take ka nga lagi,” sambit naman ni Erich. “Iba talaga, isang malaking karangalan na maka-trabaho ka and sana even after ‘La Vida Lena’ makasama kita sa pelikula.”
Say naman ni Carlo, “masarap gumawa ng pelikula sana magsama tayo sa pelikula.”
“Okay nagpaparinig po kami, baka naman,” say ni Erich.
Unang beses magka-trabaho sina Carlo at Erich at dito natanong ng aktor kung ano ang impression sa kanya ng aktres.
“Nu’ng sinabing ikaw, si Kit at JC ang makakasama ko sabi ko go. Kami ni JC nagka-trabaho na, kayo ni Kit first time. (Impression) ko dati, sabi ko, ‘snob pala ‘yung Carlo Aquino sa totoong buhay,” kuwento ni Erich.
“Mahiyain kasi ako, actually sa lahat naman sinasabi nga nila na masungit ako,” paliwanag ng aktor.
“No naman! But I think It’s okay kung baga pakiramdaman but it’s weird naman na first time mong makita ‘yung tao tapos (tsika na agad) hindi rin naman ganu’n. Ano po siya (Carlo) level siya process tulad ngayon nakiki-vlog nap o siya sa atin,” masayang sabi ni Erich.
Pinuri rin siya ni Carlo dahil, “May mga nakakarating sa akin na ‘yung work ethics mo rin sobra-sobra. May mga times na feeling ko hindi ko ginagawa ‘yung homework ko dahil husay at galing ni Erika (sabay tingin sa camera).”
Seryosong sabi ng aktres, “Thank you Mr. Carlo Aquino. Ganu’n naman talaga sa bawat proyektong ibinibigay sa atin na dapat ibigay ang best natin. Pinagkatiwalaan tayong gawin ang best so, give it our best.”
Hirit ni Carlo, “Perfectionist po siya (sabay turo kay Erich).”
“Parang ikaw din naman,” sabi ng dalaga.
“May question pa ako, puwedeng personal? First time mo maging tatay? Hindi ko kasi alam baka lang may iba ka (anak sa iba). Kumusta ‘yun experience?” tanong ng aktres sa aktor.
“Masarap. Sobrang humaba ang pasensya ko. Nag-iba, may inspirasyon na ako kasi ever since talaga gusto ko ng magka-baby. Sabi ng mga pinsan ko na mahirap (magka-anak). Sa experience ko, mahirap na hindi mahirap. Basta pag nakikita mo ‘yung anak mo, parang buo ka,” esplika ni Carlo.
Paglalarawan pa ng aktor sa sarili bilang ama ay natatakot siya sa mga nangyayari ngayon sa mundo pero gusto niyang maranasan ng anak niyang masaktan, maranasan ang lahat at nandoon naman siya para i-guide ang anak.
Napag-usapan din ang tungkol sa nanay ng anak ni Carlo na si Trina Candaza.
“Mahilig kasi ako sa motor so sinama ako ng kaibigan ko sa World Trade Center may (show) tapos ikot-ikot ako doon ko siya nakita siya lang napansin ko, sabi ko ang ganda ng mata mo. Tapos nagpa-picture ako sa kanya tapos sabi niya kilala ko ang ate niya, so hinanap ko siya sa Facebook.
“In-stalk ko siya, tapos chat-chat, hiningi ko number niya, inilabas ko siya sa Greenhills tapos nagdire-diretso na tapos may time na tumigil nagkagulo kung anu-anong nangyari ayoko ng maging detalyado ro’n tapos nagkita ulit kami, pinursue ko tapos hindi ko siya makalimutan after 9 or 10 weeks kami na,” kuwento ng aktor.
Napag-usapan din kung anong bahay ang gustong ipatayo ni Carlo para sa mag-ina niya, “May nabili akong lupa sa Laguna na papatayuan palang ng gusto niya (Trina) bahay, gusto ko bungalow lang pero hndi rin puwede kasi dapat may 2nd floor para sa guest kapag may dadalaw na relatives.”
Hirit ni Erich, “Ako rin gusto ko bungalow ayaw ko ng may taas nakakapagod umakyat na.”
“Kasi nagkaka-edad na (tayo), natawang sabi ni Carlo.
Inamin din nito na gusto niya ng probinsya na meyo malapit pa rin sa siyudad tulad ng Laguna dahil masarap ang hangin.
Samantala, ang pangarap naman ni Carlo bilang artista ay aarte siya hangga’t kaya niya at gusto niyang matulad sa namayapang si Eddie Garcia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.