Cristine nagbago ang ugali mula nang maging single mom; magpapakilig sa Pinoy version ng ‘Encounter’
AMINADO si Cristine Reyes na talagang may pagkamaldita siya noong mga nakaraang taon niya sa mundo ng showbiz.
Sa virtual mediacon ng bago niyang project sa TV5, ang Philippine adaptation ng Korean hit series na “Encounter,” diretsahan niyang sinabi na “very maldita” ang image niya noon.
Nabanggit ni Cristine sa presscon na ang hunk actor na si Diego Loyzaga ang kanyang unang screen partner na “very nice” siya.
Si Diego ang makakatambal niya sa “Encounter” na siyang gaganap sa karakter ng K-Drama actor na si Park Bo Gum habang si Cristine ang magbibigay-buhay sa role ng Korean superstar na Song Hye Kyo.
In fairness, ibang-iba na nga ngayon ang aktres at nagkakaisa ang mga taong nakakatrabaho niya sa pagsasabing napalaki ng nagbago sa ugali niya nang dumating sa buhay niya ang anak na si Amarah.
Bukod nga rito, napansin din ng ilang members ng entertainment media na maayos at magiliw na siyang sumagot sa mga tanong hindi tulad noon na parang laging iritable at nagtataray.
Game na game rin siyang sumagot sa mga personal questions na isa sa patunay na nagbago na nga siya. Sa nasabi ring presscon, paulit-ulit niyang sinabi na isa siyang single parent na ang ibig sabihin ay talagang hiwalay na sila ng asawang actor-model na si Ali Khatibi.
Natanong kasi siya kung sanay na ba siya sa mga lock-in taping ngayon at paano siya nag-a-adjust bilang working mommy.
“Before pa po nagkaroon ng pandemic, I had to work na right away, so yun ang mas mahirap.
“Kasi yun ang time na bagong panganak pa lang ako kay Amarah and I got separated from her, when she was only four months old. ‘Yan yung devastated ako.
“Natuto na rin ako to live with it ‘coz I cannot do anything about it. I’m a working mom, I’m a single working mom.
“And also before the pandemic happened, I got to work abroad for the movie Untrue tapos threes weeks, so wala pang pandemic noon,” paliwanag ni Cristine.
Nang tanungin naman kung ano ang biggest “encounter” niya sa kanyang buhay, ito nga ay ang pagiging single mother niya.
“When I had Amarah, she changed my life. And then, when I became a single mom, I had to work harder and I know I had to change,” sagot ni Cristine.
Samantala, sa question naman kung posible bang ma-in love siya sa leading man niya sa “Encounter” na si Diego kung napaaga lamang ang pagtatagpo nila?
“Knowing me, once I get to know the person if there was a chance na nakilala ko siya and I get that vibe, I get that spark, I’m sure, I would,” diretsong sagot ng aktres.
Sa lahat naman ng mga Pinoy na sumubaybay sa “Encounter,” magsisimula na ang Pinoy version nito sa TV5 at Sari Sari Channel produced by Viva Entertainment.
Set to premiere on March 20, Cristine plays the role of Selene, CEO of Hotel d’ Trevi Hotel, and a daughter of a prominent politician na mapipilitang magpakasal sa anak ng isang business tycoon na mauuwi rin sa paghihiwalay.
Gaganap naman si Diego bilang Gino, a young and free-spirited random stranger who on a chanced encounter falls in love with Selena.
Being in a relationship for these two characters will not be an easy feat with the peril of public scandals and Selene’s forfeiture of her conjugal share. Will Selene and Gino get a chance at love against all odds?
Ang “Encounter” ay kinunan pa sa ilang magagandang lugar sa Ilocos at Subic. Makakasama rin dito sina Kean Cipriano, Robert Seña, Maricel Morales, Yayo Aguila, Louise delos Reyes, Gardo Versoza at Isay Alvarez.
Napapanood ang “Encounter” tuwing Sabado, 8 p.m. sa TV5. Catch-up episodes will also air every Sunday, 9 p.m. starting March 21 on Sari Sari Cignal TV CH. 3 and SatLite CH. 30. Encounter can also be watched Live and On-demand via Cignal Play App.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.