Kapos sa tao na UE haharap sa NU | Bandera

Kapos sa tao na UE haharap sa NU

Mike Lee - August 31, 2013 - 01:51 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. Adamson vs UP
4 p.m. NU vs UE
Team Standings: FEU
(8-3); NU (7-3); La Salle
(6-4); Ateneo (6-4); UE (5-4); UST (5-5); Adamson (3-8); UP (0-9)

NALALAGAY ngayon sa balag ng alanganin ang paghahabol ng University of the East sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tournament.

Kalaro ng Red Warriors ang pumapangalawang National University Bulldogs sa tampok na laro sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at pilay ang tropa ni UE coach David Zamar dahil dalawang manlalaro ang hindi niya magagamit sa mahalagang laban.

Sina Charles Mammie at Lord Casajeros ay hindi makakasama sa aksyon matapos katigan ng UAAP technical committee ang ipinataw na suspension ni league commissioner Chito Loyzaga matapos ang pagpupulong kahapon.

Ibinaba ng komite ang naunang two-game suspension na ibinigay kay Casajeros pero mananatili ang dalawang larong suspension kay Mammie matapos mapatunayan na gustong saktan ng 6-foot-8 center si Far Eastern University guard Terrence Romeo nang iwanan ng paa ito habang pumupukol ng tres sa laro ng dalawang koponan noong nakaraang Linggo.

Bukod sa larong ito, si Mammie, na naghahatid ng 18.6 rebounds at 14.2 puntos, ay hindi rin magagamit sa laban kontra sa De La Salle University sa Setyembre 4.

Sa ngayon ay nasa ikalimang puwesto ang Warriors sa 5-4 baraha at dapat humugot sila ng solidong laro hindi lamang kay Roi Sumang kundi sa iba pang malalaking manlalaro para punuan ang puwestong iiwan ni Mammie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending