Lovi, Benjamin humuhugot sa K-Drama; tambalang Mikee-Kelvin hataw na sa TV, winner pa sa online | Bandera

Lovi, Benjamin humuhugot sa K-Drama; tambalang Mikee-Kelvin hataw na sa TV, winner pa sa online

Ervin Santiago - March 03, 2021 - 01:45 PM

HUMUGOT sa mga K-Drama ang Kapuso stars na sina Lovi Poe at Benjamin Alves para sa mga karakter nila sa GMA primetime series na “Owe My Love”.

Aminado sina Lovi at Benjamin na talagang nakahiligan na nila ang panonood ng Korean Drama, lalo na noong kasagsagan ng lockdown sa bansa dulot ng pandemya.

In fact, ginawa raw nila itong inspirasyon para sa kanilang GMA Telebabad series, ito ngang isa sa top-rating romcom serye ng Kapuso network  na “Owe My Love.”

“I watched ‘Crash Landing On You’ as my first K-drama and since then, wala na, hindi na ako tumigil. Instantly, no fail, yung mga K-drama nagiging paborito ko sila at that very moment,” pagbabahagi ni Lovi sa panayam ng “IJuander.”

Si Ben naman, nagandahan sa “Reply 1988”, “Favorite ko is ‘Reply 1988.’ For sure, yun po ang number 1 para sa akin. ‘Yung mga tema po nila sa mga subject, Pinoy na Pinoy talaga.”

Bilang paghahanda naman para sa kanyang karakter sa “OML” as Doc Migs Alcancia, pinanood daw ni Ben ang “Dr. Romantic” at “Hospital Playlist.”

“Ni-recommend sa akin ni Lovi na panoorin dito is Dr. Romantic, Hospital Playlist kasi parehas ang treatment and medyo light lang sila,” sabi pa ng hunk actor.

Si Lovi naman ay nanood din ng iba’t ibang K-Dramas para sa kanyang character na si Sensen Guipit, “Binigyan ako ng tip na manood ng Korean series kasi parang ganu’n ang atake ng ‘Owe My Love’. I made sure na manood talaga ako para matuto ako.”

Bukod sa kilig na dala nina Lovi at Ben, lutang din ang galing sa pag-arte ng buong cast ng serye. Maraming viewers ang nakaka-relate sa “OML” na umiikot sa pamilya at usaping pera. Creative rin ang mga gimmick per episode kaya naman patuloy ang pagtaas ng ratings nito gabi-gabi.

Ngayon ngang nagkaroon na ng bagong kontrata sa pagitan nina Sensen at Doc Migs, expect more kilig talaga dahil magpapanggap na silang mag-asawa. Pero siyempre di pa rin papaawat ang mga kontrabidang sina Divina (Jackylou Blanco) at Trixie (Winwyn Marquez).

Subaybayan ang kuwento nina Sensen at Doc Migs sa “OML” gabi-gabi sa GMA Telebabad.

* * *

Hindi lang on-air, pang online pa! Ito ang puwersang “sakalam” ng top-rating GTV series na “The Lost Recipe” (TLR).

Bukod kasi sa patuloy na pagsubaybay ng viewers sa kuwento nina Harvey at Apple, damang-dama rin ang suporta ng netizens sa serye nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Kamakailan ay umabot na sa 100,000 followers ang official Facebook page nito at patuloy pang nadadagdagan sa huli naming silip.

Laking pasasalamat naman ng mga bumubuo ng programa sa netizens na patuloy na sumusuporta sa “TLR” hindi lamang sa pamamagitan ng pagtutok gabi-gabi sa serye kundi pati na rin sa pagtangkilik ng kanilang social media platform.

Sa Facebook page ng “The Lost Recipe” ay makakakuha ang fans ng iba’t ibang exclusive content tungkol kina Kelvin, Mikee, at iba pang cast ng programa. Makikita rin dito ang memes, exclusive kilig moments, pati na rin funny photos at TikTok videos ng tambalang #MiKel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “The Lost Recipe,” weeknights pagkatapos ng “24 Oras” simulcast sa GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending