Francine Diaz tinanggihan ang offer ng ibang TV network: Gusto kong ipakita ang loyalty ko sa Kapamilya | Bandera

Francine Diaz tinanggihan ang offer ng ibang TV network: Gusto kong ipakita ang loyalty ko sa Kapamilya

Reggee Bonoan - March 03, 2021 - 11:43 AM

MAS pinili ng Kapamilya youngstar at isa sa mga member ng The Gold Squad na si Francine Diaz ang manatili sa ABS-CBN kesa lumipat sa ibang TV network.

Inamin ni Francine na may mga nag-offer sa kanya na magtrabaho sa ibang istasyon ngunit tinanggihan niya ito dahil hindi niya kayang layasan ang kanyang mother network.

“May mga nag-offer pero choice ko rin na mag-stay dito kasi para sa akin pamilya ko na ito. Hindi lang siya basta company or network, hindi porke’t mataas ang ABS-CBN dito ako mag-i-stay.

“Nag-stay ako dahil ito yung family ko. ABS-CBN yung tahanan ko. Gusto ko ring ipakita sa lahat yung loyalty ko dito sa family na ‘to. And again ito ay tahanan ko talaga,” pahayag ng dalagita matapos mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN kamakailan.

Kung matatandaan, nagsimula lamang si Francine noon sa isang bit role sa seryeng “Pasion de Amor,” hanggang sa mabigyan na ng chance na magbida sa “Kadenang Ginto” kung saan nagmarka ang karakter niya bilang si Cassie.

Aniya, handa na siyang mag-try sa mas challenging na roles, “Open naman ako sa mga bagong character. At kung malayo man siya kay Cassie, basta nasa edad ko pa rin. Hindi masyadong mature siyempre. Ready ako sa mga ganu’n.

“Sobrang open ko kasi gusto ko yung may challenge minsan eh. Nakakapag-explore ako bilang artista,” sey pa ng young actress.

Isa sa mga aabangan ng fans kay Francine this year ay ang pelikulang “Tenement 66” ni Rae Red kung saan makakasama niya sina Francis Magundayao at Noel Comia, Jr..

Malapit na ring mapanood ang reunion series nila nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin sa ABS-CBN, ang “Huwag Kang Mangamba.”

“Kapag nagpe-prepare ako sa Huwag Kang Mangamba, kapag may sini-send silang script inaaral ko yung mga eksena.

Kinakabahan din ako kasi kailangan marami kaming mabigay na message sa mga kapamilya natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gold Squad pa rin kasama and nakakatuwa kasi yung mga makakasama namin cast talagang mga beteranong aktor at aktres kaya ang dami naming natututunan sa kanila na mga bagong acting skills,” pahayag pa ni Francine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending