Dating Kapamilya na sina 'B' at 'M' hindi na pwedeng bumalik sa ABS-CBN dahil... | Bandera

Dating Kapamilya na sina ‘B’ at ‘M’ hindi na pwedeng bumalik sa ABS-CBN dahil…

Reggee Bonoan |February 28,2021
facebook
share this

Dating Kapamilya na sina ‘B’ at ‘M’ hindi na pwedeng bumalik sa ABS-CBN dahil…

Reggee Bonoan - February 28, 2021 - 04:45 PM

SINU-SINO kaya ang mga artistang hindi na makakabalik sa ABS-CBN base sa tsika ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update” kasama si Mama Loi?

Bago ang lahat ay inamin ni Ogie na maraming offer sa kanya ang Kapamilya network, kabilang na ang mga teleserye pero magalang niya itong tinatanggihan.

Ang dahilan, hindi pa niya kaya ang lock-in taping dahil nga matagal niyang hindi makikita ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak.

Bukod pa riyan, siya lang daw ang laging lumalabas ng bahay para bumili ng mga kailangan nilang pamilya para matiyak ang kanilang kaligtasan sa panahon ng Covid-19 pandemic.

Hindi lang naman ang ABS-CBN ang tinatanggihan ng kilalang talent manager-vlogger pero maging ang iba pang TV network na interesado sa kanyang serbisyo.

“Ang alam ko lang Loi kapag nakabalik ang ABS-CBN (sa ere) may mga artistang hindi na makakabalik kahit gustuhin pa nila,” biting sabi ni Ogie.

“Gaya ni?” sambit ni Mama Loi.

“Ayoko nang mag-mention ng name pero may mga artistang alam nila na hindi na sila makakabalik katulad ng mga artistang sila pa mismo ang nag-uudyok na lumipat na kung saan sila lumipat. Feeling ko letter B as in Bravo, saka M as in Mama.

“Feeling ko lang ha, kasi ‘yun lang din ang naririnig-rinig ko na hindi na makakabalik because nag-iimbita pa ng mga artistang nandoon sa ABS (or) nag-stick with ABS tapos sila pa ‘yung, ‘halika na, punta na tayo doon’ ganyan-ganyan,” kuwento ng manager nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Hirit naman ni Mama Loi, “E, ‘yung M na lilipat na naman daw sa isang channel uli?”

“Oy, baka akala nila si Mr. M (Johnny Manahan) hindi si Mr. M, so feeling ko lang sila ‘yung hindi na makakabalik or mahihirapang bumalik or matatagalan bago makabalik.

“At aware sila na hindi sila makakabalik kasi nakarating na sa top management na nag-iimbita pa sila ng mga nandoon sa Kapamilya para tumalon sa ibang bakod,” sambit pa ni Ogie.

“So, sila pa pala ‘yung nagiging tulay para mawala ‘yung iba sa Kapamilya,” sabi ni Mama Loi.

“Kurek!” pagtatapos ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May idea na ba kayo kung sino si “B” at “M” na tinutukoy ni Ogie?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending