Maymay sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN: Excited ako na tayo’y babangon muli | Bandera

Maymay sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN: Excited ako na tayo’y babangon muli

Ervin Santiago |February 28,2021
facebook
share this

Maymay sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN: Excited ako na tayo’y babangon muli

Ervin Santiago - February 28, 2021 - 09:11 AM

FEELING lucky ang Kapamilya young actress na si Maymay Entrata dahil sa kabila ng pandemya ay marami pa ring dumarating na blessings sa kanyang buhay.

Isa na nga riyan ang muling pagpirma niya ng exclusive contract sa ABS-CBN na itinuturing niyang isa sa biggest blessing na natanggap niya sa pagsisimula pa lang ng Year of the Metal Ox.

Sa ginanap na “Kapamilya Strong” event na ginanap kamakalawa sa ABS-CBN building, isa si Maymay sa mga nag-renew ng management contract kasama sina Edward Barber, Francine Diaz, Arjo Atayde at Gary Valenciano.

“Sobrang blessed kasi nga pandemya, hindi ko naman ini-expect pa na isa ako sa mabibigyan ng marami pang biyaya sa panahong ito pero yun nga.

“Parang masarap lang sa feeling na nandiyan yung tahanan mo na talagang ipaparamdam nila sayo na secured ka, na gagabayan ka nila kahit anong mangyari,” pahayag ni Maymay nang humarap sa entertainment press sa pamamagitan ng virtual mediacon.

“Kaya masaya ako na parte din ako sa pagharap ng pagsubok at very excited ako na tayo’y babangon muli at ipagpe-pray natin yun. Para rin ito sa ating mga kapamilya,” sey ng dalaga.

Natanong si Maymay kung anong feeling na maging isang loyal Kapamilya, “Siguro yung feeling na alam mong may tahanan ka, na talagang handang magbigay sayo ng magandang kinabukasan. At handang gabayan ka kahit anong mangyari.

“So para sa akin, nakaka-excite yun. At isa rin siguro yung mga proyekto na ibibigay nila sa akin. Kasi nga siyempre nasu-surprise ka na lang wow, totoo ba na ipapagkatiwala ninyo ito sa akin?” paliwanag pa ng dalaga.

Samantala, pwedeng-pwede naman daw na magkaroon uli sila ni Edward ng bagong project together this year, “Posible naman na mangyari yun. Kahit ano naman na proyekto na darating tatanggapin ko naman lalo na kapag nandiyan si Edward. Hindi ko pa masasabi.

“Hanggang maaari talaga na sure ako. Mag-u-update naman kami. Sasabihin namin agad agad kung meron mang darating.

“Nagkakausap naman kami ni Edward. Mabuti naman yung working relationship namin , yung pagkakaibigan namin. Wala namang problema,” sey pa niya.

Bukod sa Sunday noontime show na “ASAP Natin ‘To” at sa ilang show sa iWant, excited ding ibinalita ni Maymay sa madlang pipol na busy na rin siya sa paggawa ng mga content para sa kanyang YouTube channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang message naman niya para sa lahat ng kanyang fans ngayong 2021, “Do not expect nothing because I will surprise you with what I can do for this year.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending