Derek, Ellen umanin na: 'We just really are enjoying each other’s company' | Bandera

Derek, Ellen umanin na: ‘We just really are enjoying each other’s company’

Reggee Bonoan |February 27,2021
facebook
share this

Derek, Ellen umanin na: ‘We just really are enjoying each other’s company’

Reggee Bonoan - February 27, 2021 - 04:34 PM

ellen adarna derek ramsay

Pormal nang may relasyon sina Ellen Adarna at Derek Ramsay kaya lagi na isinasama ng aktres ang anak na si Elias kapag magkikita sila ng aktor.

Nitong mga huling araw kasi ay isinasama na ni Ellen si Elias sa bahay nina Derek na nagsimula noong Araw ng mga Puso kung saan inalok pa nga ng aktor ng steak ang bagets pero hindi ito sumagot dahil mahiyain daw.

At kamakailan lang ay muling isinama ni Ellen ang anak sa bonding nila ni Derek kasama ang ilang kaibigan sa lake Caliraya noong nakaraang linggo lang at may kuha pang kalong ng aktor si Elias dahil nakatulog na ito.

Sa pagkakatanda namin ay Enero 11 isinama ni John Estrada si Ellen sa bahay nina Derek para mag-dinner. Magkaibigan ang dalawang aktor. At leading lady naman ng una ang aktres sa TV series na John En Ellen sa TV5.

Hanggang sa nasundan ng ilang beses ang dinner at bonding na iyon nina Derek at Ellen na hindi naman nila itinago dahil lahat ay naka-post sa kanilang IG story.

At finally umamin na si Derek na may relasyon sila ni Ellen base sa panayam ng PEP.

“May relasyon kami, oo,” ito ang sagot ng aktor sa tanong kung girlfriend na niya si Ellen.

Sa kuwento ni Derek, “Wala, wala. It’s not a normal relationship. Hindi siya ‘yung may parang ligawan. It’s just nagkakilala kami, from the dinner, every day, ‘O, workout.’”

Biniro pa ni Ellen si Derek ng, “Baka sabihin nila na ako nanliligaw sa ‘yo.”

Sagot naman ng aktor, “No, no, walang ganun. Ako lagi ang nag-aaya. Hindi siya ganun.”

Sabi ng aktor ay isang buwan na ang relasyon nila ni Ellen. Kung nagkita sila noong Enero 11 ay puwedeng sabihing doon na rin sila nagsimulang magbilang? Dahil isinelebra na nila ang Araw ng mga Puso noong Pebrero 14 pero hindi nila binanggit kung anong petsa talaga sila naging opisyal na magkarelasyon.

Inamin kasi ni Derek na unang pagkikita palang nila ng aktres ay may spark na siyang naramdaman, kaya sapantaha namin ito na ang simula.

“Sobrang laking spark. We just really are enjoying each other’s company. Sobra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan lahat meron na. Well, di ba, sabi niya (Ellen), one month, feels like one year,” sambit nito.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending