Lulubog-lilitaw na aktres wala pa ring kupas ang ‘attitude’, nag-inarte sa shooting
“PAPANSIN para pag-usapan,” ang komentong narinig namin sa isang taga-industriya tungkol sa kilalang aktres na lulubog-lilitaw sa showbiz dahil magulo rin ang pag-isip nito.
Dagdag pang sabi ng isa pang nakatrabaho ng aktres na lulubog-lilitaw, “Hindi pa rin siya nagbabago, ganyan pa rin siya hanggang ngayon.”
May ginagawa kasing TV project ang tinutukoy na aktres ng aming source at lahat ng kasama niya sa show ay nakahanda na maliban sa kanya dahil hindi pa pala niya naaaral ang script kaya ang ending, na-delay ang shoot.
Bukod dito ay nakailang beses sumigaw ng cut ang direktor dahil wala sa loob niya ang binibitiwang dialogue o hindi maramdaman ng nasa set ang mga linya niya.
Humingi naman siya ng dispensa sa production dahil puyat daw siya at may iba pang sinabing dahilan na ayaw nang ikuwento sa amin.
Tanda namin ay nakatrabaho na ng mga kaibigan naming artista at taga-production ang lulubog-lilitaw na aktres at gumawa ito ng kasinungalingan na talagang napaniwala niya ang lahat dahil ayaw lang niyang magtrabaho.
In fairness, valid naman ang rason niya noon pero dahil madaldal ay naringgan siyang nagkukuwento sa kausap nito sa cellphone ang tunay niyang dahilan kaya pinapunta siya sa set kesehodang sinabi niyang hindi siya makakapag-shoot.
Pinamili siya, darating sa set o madedemanda siya. Sa takot, dumating naman siya pero kuno-kunong masama ang pakiramdam.
Aliw din naman ang mga staff ng production dahil kinunan siya ng late at isang eksena lang bilang kapalit ng pagdadrama niya.
Anyway, heto na naman, pagkalipas ng ilang taong hindi pagiging aktibo sa pag-arte ay balik na naman sa dating gawi ang lulubog-lilitaw na aktres.
Sayang dahil may acting naman talaga siya pero kung ganyan pa rin ang ipakikita niyang ugali hindi na namin alam kung hanggang saan siya makakarating.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.