Yayaman uli | Bandera

Yayaman uli

Joseph Greenfield - August 31, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Ayeen, ng Barangay Sinawal, General Santos City
Dear Sir Greenfield,
Nagtatrabaho kami noon ng mister ko sa Middle East.  Nauna siyang umuwi dahil nahawa siya ng malubhang sakit.  Binigyan naman siya ng pera.  Hindi nagtagal ay kailangan ko na ring umuwi para alagaan ang asawa ko.  Mabilis naubos ang aming pera hanggang sa nabaun kami sa utang.  Nakuha sa dalangin ang sakit ng aking asawa at siya’y gumaling.  Ngayon ay naga-apply na naman kami pa-abroad, pero napakahirap ng paglabas ngayon sa bansa dahil sa dami ng gera sa Middle East.  Itatanong ko lang kung may ikalawang pangingibang bansa bang itatala sa aming kapalaran at kung sino ang unang makapaga-abroad sa amin? Nais ko ring malaman kung makababayad na ba kami sa aming mga utang? January 14, 1977 ang mister ko at February 18, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Ayeen, ng Barangay Sinawal, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapwa kayo may ikalawang Travel Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa kaliwa at kanang palad ninyong mag-asawa. Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap, tulad ng dati muli kayong makapangingibang bansa. Kaya sa ngayon, hindi dapat mawalan ng pag-asa, ituloy lang ang inyong paga-apply sa abroad, darating ang panahon may mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Jack of Diamonds at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung anumang salapi ang nawala sa inyo noong magkasakit ang mister mo, tiyak ang magaganap sa susunod na taon hanggang 2015 babalik din sa inyo ang kasaganaang pang materyal hanggang sa tuluy-tuloy na uli kayong yumaman.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending