Janno, Kitkat tuluyan na bang tsinugi sa Happy Time ng NET 25? | Bandera

Janno, Kitkat tuluyan na bang tsinugi sa Happy Time ng NET 25?

Reggee Bonoan |February 24,2021
facebook
share this

Janno, Kitkat tuluyan na bang tsinugi sa Happy Time ng NET 25?

Reggee Bonoan - February 24, 2021 - 02:01 PM

TSINUGI na ba sina Kitkat Favia at Janno Gibbs sa “Happy Time” ng NET 25 dahil pareho silang wala sa programa ngayong araw.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay si Anjo Yllana, ang stand-up comedian na si Boobsie at dalawa pang host na hindi pamilyar sa amin ang nasa programa pero ang dinig namin ay may mga show din sila sa Eagle Broadcasting Corporation.

Pinag-ayons ng NET 25 management nitong Martes ng hapon sina Kitkat at Janno pero hindi pa rin pala naplantsa ang gusot sa pagitan nila.

Hindi nagustuhan ni Janno ang ipinost ni Kitkat na, “Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo. Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA!

“Sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DIYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko, nararapat lamang na ako ay magpatawad makakagaan sa aking buhay at loob.

“Opo sa lahat ng nangyari, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA thank YOU LORD for the strength.”

Kaya sinagot ito ng singer-comedian ng, “Nagpakumbaba na po ako. Tiniis ko ang pangbabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi na po ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nag-umpisa ng lahat. I was provoked.

“Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio. Pinag-ayos na po kami kanina. Akala ko ay ayos na.  Tinanggap ko na po kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nag-post na naman siya.

“Pinalalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko na po kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak na nakatatanggap din ng batikos sa mga tao.

“Oras na para malaman ng tao ang buong katotohanan.”

Sa madaling salita hindi nagustuhan ng pamunuan ng NET 25 ang mga post nila kaya siguro hindi muna sila pinag-report sa show.

Hindi nga naman magandang tingnan na magkasama sila sa isang show pero alam ng lahat na hindi pa sila nagkakasundo at baka magkaroon uli ng hindi magandang insidente sakaling magkrus ang landas nila sa studio.

At kung sakaling totoo nga na tinanggal na sina Kitkat at Janno ay pabor ito sa komedyana dahil matagal na rin niyang gustong umalis sa “Happy Time” para magpahinga dahil bukod sa pagod siya sa show ay stress pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, mapapanood pa rin si Kitkat sa programang “Kesayasaya” kasama sina Vina Morales, Robin Padilla, Ms. Pilita Corrales at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending