Tambalang Julie Anne-David may kakaibang magic; Tunay na Buhay 10 taon na, Bossing ibubuking

Tambalang Julie Anne-David may kakaibang magic; Tunay na Buhay 10 taon na, Bossing ibubuking

Ervin Santiago |February 23,2021
share this

Tambalang Julie Anne-David may kakaibang magic; Tunay na Buhay 10 taon na, Bossing ibubuking

Ervin Santiago | February 23,2021 - 01:10 PM

BUMANDERA na sa social media ang mga #JulieVid shippers matapos mag-post ng mga behind-the-scenes photos ang cast sa set ng upcoming GTV romantic series na “Heartful Cafe.”

Excited ang netizens sa first on-screen pairing ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose at Kapuso hunk na si David Licauco bilang sina Heart Fulgencio at Ace Nobleza.

Hindi pa man daw nagsisimula ang bagong Kapuso romcom series na ito ay kitang-kita na agad ang nag-
uumapaw na chemistry ng dalawa. Nagkakaisa sila sa pagsasabing nag-uumapaw ang magic ng bagong Kapuso loveteam.

Sey ng isang fan sa comments section, “Hoooy!!! Kasi naman, e. Bakit kinikilig ako.”

Dagdag pa ng ilang netizens, tiyak na aabangan nila ang tambalang ito sa GTV.

Makakasama rin nina Julie at David sa upcoming show na ito ang mga kapwa Kapuso artists na sina EA Guzman, Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Ayra Mariano at Victor Anastacio.

Huwag palalampasin ang pagbubukas ng “Heartful Cafe” soon sa GTV.

* * *

Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng “Tunay na Buhay”, isang espesyal na showbiz icon ang tampok ng programa para sa mga manonood — ang “everybody’s favorite” na si Bossing Vic Sotto!

Sa nakalipas na apat na dekada, naging bahagi siya ng buhay ng maraming Pinoy bilang si Victorio Ungasis sa “Iskul Bukol”, Enteng Kabisote sa “Okay Ka, Fairy Ko”, Barak Otogan sa “Daddy’s Gurl,” at siyempre bilang si Bossing sa longest-running noontime variety show na “Eat Bulaga.”

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakapanayam ng “Tunay na Buhay” ang beteranong aktor at komedyante kung saan ibabahagi niya ang kaniyang mga personal na kuwento magmula sa kaniyang pagkabata, pagsisimula sa industriya ng showbiz, at mga prinsipyo bilang isang ama.

Makakasama rin sa kuwentuhan ang misis niyang si Pauleen Luna-Sotto, at ibabahagi nila ang ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon, maging ang favorite bonding moments nila sa anak na si Tali.

Siyempre pa, hindi rin pahuhuli ang kanyang mga “Dabarkads” sa pagre-reveal ng mga trivia tungkol sa kani
ya. Anu-ano kaya ang ibubuking nila tungkol kay Bossing?

Samahan si Pia Arcangel na alamin lahat ng ‘yan sa special 10th anniversary episode ng “Tunay na Buhay” ngayong Miyerkules, 11:30 p.m. pagkatapos ng “Saksi” sa GMA Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending