Kris binisita ng probinsyanong anak, pero gusto na uling umalis: Kararating mo pa lang babalik ka na agad!?
ISANG madamdaming reunion ang naganap sa bahay ng Queen of All Media na si Kris Aquino nang dumating ang panganay niyang anak na si Joshua kamakalawa.
Umuwi pansamantala sa Manila si Josh makalipas ang halos tatlong buwang pananatili sa mga kapamilya nila sa Tarlac.
Ibinahagi ni Kris sa kanyang social media account ang isang maikling video kung saan makikita ang touching reunion nila ni Josh. Dito, mararamdaman mo talaga kung gaano niya na-miss ang anak.
“Our probinsyano is here to visit us, visit me, pero may schedule. Babalik daw siya right away. Babalik daw siya at four o’clock. Kakarating mo pa lang babalik ka na agad!” pahayag ni Tetay.
Huling nagkasama ang mag-ina noong Dec. 26 at mula nga noon sa Tarlac na namalagi ang binata. Sey ni Kris, sariling desisyon ni Joshua ang mamuhay sa probinsya.
“Okay. Madali akong kausap. Sure? Sige, mahirap kalaban pag nag-decide na na, ‘Dito ako,’” ang sabi pa ni Kris patungkol sa pagpunta ng anak sa Tarlac.
Kuwento ni Josh sa kanyang mama, ilan sa mga paborito niyang ginagawa sa probinsya ay mag-bike at mag-jogging. Gustung-gusto rin daw nito ang sariwang hangin sa kanilang lugar.
Kamakailan, in-announce ng TV host-actress na pansamantala rin nilang iiwan ang buhay sa Manila para subukan ang buhay-promdi. May rerentahan daw silang beachfront property sa loob ng ilang buwan.
Nang tanungin daw niya si Josh kung gusto nitong sumama sa kanila ni Bimby, tumanggi ang binata. Ganu’n daw katindi ang kagustuhan nitong manatili sa Tarlac.
Nauna nang sinabi ni Kris na may konek sa kanyang yumaong inang si former President Corazon Aquino ang desisyon ni Joshua na mag-stay sa kanilang probinsya.
“When he was born, I was not yet at the level I was. All those ‘yung mga program, PTC (parent-teacher conference), events sa school, I was taping, I was shooting, and lola niya talaga ang pumuno sa lahat ng ‘yun.
“I can truly understand kung bakit doon niya gusto, kasi all those times that the mother was busy, I think so many of the working moms can understand this.
“If the lola was the one who went at pinunuan ‘yung mga hindi kayang gawin nu’ng nanay na nagtatrabaho, then the lola will always be number one. And that’s fine with me. Because I could never have raised a boy na ganito ka-generous, ganito kabait sa lahat,” chika ng TV host-actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.