Bimby ipinagtanggol ng netizens sa laiterang bashers: Tigilan n'yo na ang pambu-bully sa bata | Bandera

Bimby ipinagtanggol ng netizens sa laiterang bashers: Tigilan n’yo na ang pambu-bully sa bata

Ervin Santiago - February 21, 2021 - 09:18 AM

IPINAGTANGGOL ng ilang netizens ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby laban sa mga bully.

May mga bashers kasing nanglait at nang-okray sa binatilyo matapos niyang regaluhan ng bulaklak ang young actress na si Miles Ocampo nitong nagdaang Valentine’s Day na may kalakip pang letter.

Ipinost ni Miles sa kanyang Instagram Story ang litrato ng bouquet of flowers na ibinigay ni Bimby pati na ang handwritten note na nakalagay dito.

“Dear Ate Miles, maraming, maraming salamat for being such a loyal ate. Sana, you will get a letter from a boyfriend and not me lang, hehe. But in all seriousness, I will forever love and respect you,” mensahe ni Bimby.

Sa isa pa niyang IG post makikita ang pagdalaw niya sa bahay nina Kris nu’ng birthday nito last Feb. 14. Ani Miles sa caption, From being my nanay Roxanne 8 years ago til now, thank you for loving me.

“Thank you very much for everything, tita Kris. I love you always. I love you too, Bimb. Thank you for being the sweetest.”

Naging close sina Kris at Miles nang gawin nila ang 2013 ABS-CBN drama series na “Kailangan Ko’y Ikaw”.

Maraming netizens ang natuwa at kinilig sa pagiging sweet ni Bimby pero may ilang namang nangnega sa bunso ni Tetay. Bukod sa inokray na nila ang handwriting ni Bimby, may naglagay pa ng malisya sa pagreregalo ng binatilyo kay Miles.

In fairness, marami naman ang matapang na tumalak sa social media at ipinagtanggol ang anak ni Kris mula sa mga laitera, bastos at malilisyosong bashers.

Isang netizen ang nag-tweet at nanawagan na tigilan na ang pambu-bully kay Bimby. Aniya, “Enough bullying Bimby, Internet. There’s nothing wrong with sending a gift to his friend. Remember, he’s still a kid.

“If I were the socmed (social media) manager of those news sites who carried the story, I’d block every nasty comment. Rude comments are uncalled for.”

Ipinagtanggol din ng isang netizen si Bimby mula sa mga nanglait sa handwriting ng bagets, “Kung maganda sulat ng anak mo, then good for you. Pero no need to shame Bimby. Hindi lahat pare-parehas maganda sulat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ng isang fan ni Kris, walang masama kung pangit man ang sulat kamay ni Bimby dahil wala namang perfect na tao. Ang mahalaga raw ay ang pagiging mabuting anak at kaibigan ng binatilyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending