CRISTINE lagot kay ANGELICA, siguradong may matinding sabong | Bandera

CRISTINE lagot kay ANGELICA, siguradong may matinding sabong

Cristy Fermin - August 31, 2013 - 03:00 AM


Umamin na sina Derek Ramsay at Cristine Reyes na opisyal nang sila ngayon. Marami nang nagsasabi nu’n na sila na, pero itinatanggi ‘yun ng dalawa, magkaibigan lang daw talaga sila.

Hanggang sa nu’ng isang araw nga ay umamin na sina Derek at Cristine na magkarelasyon na sila, walang gaanong ibinigay na detalye ang dalawa kung paano sila nagkalapit at kung paano nangyari ang pormal nilang pagtanggap sa isa’t isa bilang magkarelasyon, ang mahalaga ay sila na ngayon.

Siguradong may ilang kampong magbibigay ng reaksiyon tungkol sa bubot pa nilang relasyon ngayon, isang araw rin ay hindi malayong magkaroon ng pagsasagutan sa pagitan ni Cristine at ni Angelica Panganiban, imposible ba namang mangyari ‘yun?

Masuwerte si Cristine sa pagkakaroon ng karelasyong tulad ni Derek na lumulutang ang pagiging maginoo sa lahat ng oras, makaaasa si Cristine na hindi ito pababayaan ni Derek anuman ang mangyari, nasa mabubuting kamay ang sexy young actress.

Naaalala pa namin ang kuwento tungkol sa isang matinding away nu’n nina Cristine at Rayver Cruz, ayon sa isang malapit sa aktor ay si Derek diumano ang dahilan ng gulo sa kanilang pagitan, nakarating kasi kay Rayver na may nakakita kina Derek at Cristine na magkasama sa isang restaurant sa The Fort na masayang nagdi-dinner.

Para sa mga taong ‘yun ay hindi na bago ang pag-amin nina Derek at Cristine, matagal na nilang inaasahan ito, nahuli lang ang panahon ng pampublikong pag-amin ng dalawa.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending