Jamie: Akala ng tao masyado akong strong...may pagkakataon ding hindi na ako makatayo, sobrang lugmok | Bandera

Jamie: Akala ng tao masyado akong strong…may pagkakataon ding hindi na ako makatayo, sobrang lugmok

Ervin Santiago - February 19, 2021 - 10:53 AM

MARAMI ring pinagdaanang matitinding pagsubok ang Inspirational Diva na si Jamie Rivera na talagang sumubok sa kanyang pananampalataya.

Ngunit sa kabila ng mga hamon ng buhay na dumating sa buhay niya, hindi siya bumitiw sa paniniwala sa kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos.

“Sa edad kong ito marami na akong nadaanang pagsubok. Pero sa awa ng Diyos, hindi nawala ‘yung faith ko talaga,” pahayag ni Jamie sa isang interview.

Inalala ng premyadong OPM singer na may mga pagkakataon na nadapa at nalugmok din siya sa problema at inakalang hindi na makakabangon pa.

“Ang dami ko nang nadaanan na pagsubok na iisipin mo ‘ay bibigay ako.’ There was a time in my life na hindi na ako makatayo, sobrang lugmok, dumating ako sa ganyan.

“Akala lang ng tao parang masyado akong strong. Pero tao lang ako, dumaan din ako sa ganoon, pero ang faith ko kay Lord ay nanaig. Saka in-acknowledge ko na hindi ko kaya ito, kailangan ko ng tulong Mo.

“I-submit everything to You and true enough hanggang ngayon naman, hindi ko sinasabi na na-solve ko na ang problema ko pero alam ko na nandiyan Siya, tinutulungan Niya ako at hindi Niya ako iiwanan,” paliwanag pa ni Jamie.

Nagpaalala rin siya sa lahat ng mga nawawalan na ng pag-asa sa buhay, lalo na ngayong wala pa ring kasiguruhan ang kinabukasan dahil sa pandemya.

“Kung anuman ang dumating sa akin, hindi ko ‘yon bini-blame kay Lord, kino-consider ko ‘yon as trials na binibigyan ka Niya ng pagsubok.

“Tapos tinitingnan Niya kung hanggang saan ang kaya mo at sa trials na ‘yon tinitingnan Niya kung mawawala ka at kapag hindi ka nawala at lalo kang sumamba sa Kanya lalo mo Siyang binigyan ng halaga, sasabihin Niya ah okay ito, babaliktarin niya ‘yon,” payo pa ng singer.

Bilang Inspirational Diva, nag-share si Jamie kung paano nakatulong ang faith niya kay Lord para mas maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok.

“Lumaki ako sa pamilyang religious, hindi talaga siya nawala. Ang maganda sa lumaki ka sa ganoong klaseng pamilya, hindi ba ‘the family that prays together, stays together.’

“So kahit anong klaseng paghihirap na dumating sa buhay namin, sa buhay ko, hindi nawala ang faith ko. Nare-realize ko lang na ang hirap ng buhay, pero hindi maso-solve ang problem mo na todo-todo, pero magaan, kasi alam mo na nandiyan si Lord na He will carry you,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Busy ngayon si Jamie sa pagpo-promote ng bago niyang inspirational song (pati na ang music video nito), ang “We Give Our Yes” mula sa Star Music at Archdiocese of Manila. Ito ang official mission song para sa pagdiriwang ng 500 years of Christianity in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending