CESAR: Ang dasal ko lagi sana matapos na 'to, kawawa ang mga anak namin! | Bandera

CESAR: Ang dasal ko lagi sana matapos na ‘to, kawawa ang mga anak namin!

Ervin Santiago - August 31, 2013 - 03:00 AM


MAS tumindi pa ngayon ang pagdarasal ni Cesar Montano para sa pag-aayos nila ng kanyang misis na si Sunshine Cruz. Sa kabila ng mga kasong isinampa sa kanya ng asawa, positibo pa rin ang pananaw ng aktor-TV host.

Ayon kay Buboy, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na magkakabati rin sila ni Sunshine at maaayos lahat ng gusot sa kanilang  relasyon.

Sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA TeleBabad, ang Akin Pa Rin Ang Bukas kung saan makakasama niya sina Lovi Poe, Solenn Heussaff  at Rocco Nacino, ayaw na sana niyang magsalita tungkol sa kanila ni Sunshine, pero napilit pa rin siya ng entertainment press.

Unang tanong kay Buboy kung naniniwala pa siyang mabubuo pa ang kanilang pamilya, “Sa sobrang pagmamahal ko sa mga anak ko, talagang iyon ang aking intensiyon, iyon ang aking prayer, ako gusto kong matapos na ito para sa mga bata, kawawa kasi sila, e.”

Sey pa ng Kapuso actor, kung siya lang sana ang involved sa usaping ito, matatanggap din siguro niya, “Batang kalsada kasi ako, e, laking Sta. Ana ako. Naglalakad ako, isang tsinelas lang, pero masaya na ako du’n.

I’m not saying na hindi ako nasasaktan, tao pa rin naman ako, nalulungkot ako. ‘Yung mga anak namin, walang kinalaman sa away.

“I really hate this because I know that the children do not deserve this. Sobra ang pagmamahalan namin ng mga bata, e, nakakapaglaro kami, nakakapag-bonding kami.

Ako, ayoko na talaga ng ganito. Kasi kung masasaktan ko siya, masasaktan din ang mga bata, this is not only an issue between me and my wife, kahit saang anggulo mo tingnan, maaapektuhan ang mga bata, kaya pinakamabuti pa rin is tumahimik,” mahabang paliwanag ni Cesar.

In fairness, fresh na fresh pa rin ang itsura ni Buboy sa gitna ng kinasasangkutang issue. Feeling ba niya, magkakabalikan pa sila ni Sunshine? “Only God knows. But I really am devastated, totally devastated.

But I hope sa kabila nito, sa kalooban at kaisipan ng mga bata ma-preseve pa rin ‘yung mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila.”

Paano na ‘yung agreement nila ni Sunshine sa pag-aalaga sa mga bata? “Sa korte, nahati ‘yung time ng mga bata, hati kami, minsan four (days) sa kanya, then three sa akin, tapos misan baligtad naman, just to make it equal.”

May pinagsisisihan ba siya sa lahat ng mga nangyari, at kung meron siyang mga desisyong nagawa noon, meron ba siyang gustong baguhin?

“Sa buhay naman ng tao there are so many regrets, kung pwede mo lang ibalik lahat, marami kang ibabalik talaga para itama mo. Pero for what I have right now, problema man ‘yan or magandang blessings man ‘yan, sa tingin ko my God is only preparing me for a bigger task, a bigger issue in life, pero hindi naman porke may problema ka, hindi ka blessed, I believe you’re just beeing tested for a bigger blessing in the future,” positibo pang chika ni Cesar.

Samantala, isa sa magiging leading man ni Lovi Poe sa Akin Pa Rin Ang Bukas sa GMA TeleBabad si Cesar, siya ang magiging kaagaw ni Rocco Nacino kay Lovelia, ang karakter ni Lovi sa serye.

Aniya, challenging daw  ito dahil first time niyang magkakaroon ng batang leading lady. Sa trailer naman ng Akin Pa Rin Ang Bukas, nakita namin ang ilang maiinit na eksena nina Lovi at Cesar, at ang halikan nina Rocco at dating Kapamilya star na si Charee Pineda, kaya nasabi namin, baka pag-initan na naman ito ng MTRCB at ng ilang malilisyosong sektor ng lipunan. Ha-hahaha!

Makakasama rin sa serye na magsisimula na sa Sept. 9 sina Gary Estrada, Ina Feleo, Ruru Madrid, Steven Silva, Kier Legaspi, Glenda Garcia, Tia Pusit, Freddie Webb, together with Liza Lorena and Ms. Gloria Romero.

Ito’y sa direksiyon ni Laurice Guillen na first time ngang magdidirek ng isang teleserye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending