Bimby binigyan ng bulaklak at sulat si Miles: Sana, you will get a letter from a BF and not me lang
TULAD ni Kris Aquino, super sweet at napaka-thoughtful din sa kanyang mga kapamilya at kaibigan ang teenager na ngayon niyang anak na si Bimby.
Pinatunayan iyan ng young actress na si Miles Ocampo matapos makatanggap ng bulaklak at sulat mula sa bunsong anak ng Queen of All Media nitong nagdaang Valentine’s Day.
Ibinandera ng dalaga sa kanyang Instagram story ang litrato ng bouquet of flowers kalakip ang handwritten note na iniregalo sa kanya ni Bimby na nagpasalamat pa talaga sa kanya, “for being such a loyal ate.”
Wish din ng anak ni Kris na sana’y makatanggap na rin si Miles ng love letter mula sa kanyang boyfriend para hindi lang siya ang nagpapadala ng sulat sa kanya kapag Araw ng mga Puso.
Mensahe ni Bimb, “Dear Ate Miles, maraming, maraming salamat for being such a loyal ate.
“Sana, you will get a letter from a boyfriend and not me lang, hehe. But in all seriousness, I will forever love and respect you,” sabi pa ng binatilyong anak nina Tetay at James Yap.
“Sweetest Bimb,” ang maikling caption naman ni Miles sa kanyang Instagram post.
Bukod dito, nag-post din ang Kapamilya youngstar sa IG ng litrato nila ni Kris kasama si Bimby na pinaniniwalaang kuha sa bahay ng TV host-actress noong mismong Valentine’s Day at kaarawan din ni Tetay.
Sa isinulat niyang caption, nagpasalamat siya kay “Tita Kris” sa walang sawang pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya mula pa noong magkasama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN eight years ago at hanggang ngayon nga na nagdalaga na siya ay close pa rin sila.
Naging malapit si Miles kay Kris noong magsama sila sa teleseryeng “Kailangan Ko’y Ikaw” noong 2013 kung saan gumanap silang mag-ina. At simula nga noon ay itinuring na rin ni Kris na anak-anakan ang dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.