GF ni Romnick na si Barbara Ruaro nanganak na; 24 oras nag-labor | Bandera

GF ni Romnick na si Barbara Ruaro nanganak na; 24 oras nag-labor

Ervin Santiago |February 15,2021
facebook
share this

GF ni Romnick na si Barbara Ruaro nanganak na; 24 oras nag-labor

Ervin Santiago - February 15, 2021 - 03:51 PM

NANGANAK na ang indie film actress at girlfriend ni Romnick Sarmenta na si Barbara Ruaro.

Ilang buwan matapos kumpirmahin ng celebrity couple na magkakaroon na sila ng baby, isinilang na nga ni Barbara ang panganay na anak nila ni Romnick.

Mismong Valentine’s Day, Feb. 14, nanganak ang aktres base na rin sa ipinost niyang litrato sa kanyang Instagram Stories.

Nilagyan niya ito ng caption na, “After an almost 24-hour labor… Salamat, Lord. Salamat, Nicko. Mahal na mahal ko kayo, @nicksarmenta. Mahal na mahal na mahal.”

Ni-repost din ni Romnick ang mensahe ni Barbara sa kanyang IG account na may mensaheng, “Mahal na mahal ko din kayong dalawa Barbara.”

Wala pang nabanggit silang nabanggit kung ano ang gender ng kanilang bagong-silang na baby at kung ano ang ipapangalan nila sa bata.

Sa nakaraang post nina Romnick at Barbara sa Instagram last Feb. 4, ipinahayag nila sa madlang pipol kung gaano na sila ka-excited na makita ang kanilang firstborn.

Sey ni Romnick, “Happy to always be beside you my @bieruaro. And excited to hold our little one. Love you so much.”

May lima nang anak si Romnick sa dati niyang asawang si Harlene Bautista. Taong 2018 nang ipahayag nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay.

Masaya na rin ngayon si Harlene sa piling ng kanyang boyfriend na si Federico Moreno, anak ng yumaong veteran TV host at komedyanteng si German “Kuya Germs” Moreno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending