Derek, Ellen magkasamang nag-celebrate ng V-day; pag-amin na nga ba sa tunay na relasyon? | Bandera

Derek, Ellen magkasamang nag-celebrate ng V-day; pag-amin na nga ba sa tunay na relasyon?

Ervin Santiago - February 15, 2021 - 10:49 AM

MAGKASAMANG nag-celebrate ng Valentine’s Day kahapon ang natsitsismis na magdyowa na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Kaya naman mas dumami pa ang naniniwalang may relasyon na talaga ang dalawa kahit pa ilang beses na nilang sinabi na walang malisya ang kanilang pagkakaibigan.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Derek ng mga litrato kung saan makikita ang ilang kaganapan sa bahay niya sa Alabang nitong nagdaang Araw ng mga Puso.

Sa mga una niyang post, naikuwento ng hunk actor ang tungkol sa pagha-hire niya ng Australian chef para siya ang mag-prepare ng naisip niyang special family dinner sa kanyang bahay.

At sa isang litrato nga na kanyang ibinahagi sa IG ay makikita si Ellen kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias.

Nasa family photo rin ang panganay ni Derek na si Austin (anak niya sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly) na kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas. Nasa litrato rin ang ilan sa malalapit na kaibigan ng aktor bukod sa kanyang mga kapamilya.

At dahil nga magkasama silang nagdiwang ng Araw ng mga Puso, marami ang nagkomento na kahit magdenay daw sina Derek at Ellen ay hindi na sila maniniwala dahil mismong ang aktor na raw ang naglabas na “resibo” o ebidensya.

May ilan naman ang nagsabi na alam na alam na raw nila ang style ni Derek pagdating sa babae — dahan-dahan at unti-unti lang daw ang mga aksyon nito hanggang sa hindi na namamalayan ng madlang pipol na naka-score na siya nang bonggang-bongga.

Komento naman ng ibang netizens, bagay naman daw sina Derek at Ellen dahil pareho naman silang may anak na at single ngayon.

Feeling din nila, hindi pa maamin ni Derek na dyowa na niya si Ellen dahil tiyak na babanatan na naman siya ng mga netizens dahil sa paghihiwalay nila ni Andrea Torres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending