Maja, Empoy magtatambal sa teleserye, bagay ba? | Bandera

Maja, Empoy magtatambal sa teleserye, bagay ba?

Reggee Bonoan |February 12,2021
facebook
share this

Maja, Empoy magtatambal sa teleserye, bagay ba?

Reggee Bonoan - February 12, 2021 - 01:49 PM

HAYAN, kinumpirma na ng komedyanteng si Empoy Marquez na may gagawin silang teleserye ni Maja Salvador sa TV5.

Nabanggit ni Empoy sa video ng isang netizen na ipinost sa Twitter na may gagawin silang serye ni Maja sa Kapatid Network, ibig sabihin hindi nga totoong sa GMA 7 na mapapanood ang aktres.

Nag-ugat kasi ang tsikang magiging Kapuso na si Maja nang matsugi ang “Sunday Noontime Live” nila nina Piolo Pascual at Catriona Gray sa TV5.

Mas lalo pang umingay ang balita nang magsama sa isang larawan sina Maja at Heart Evangelista para sa isang collab project na mapapanood sa “Meet Maja” YouTube channel ng aktres.

Nasulat namin dito sa BANDERA na si Maja na ang nagma-manage ng kanyang showbiz career dahil nagtayo na rin siya ng sariling management agenct, ang Crown Artist Management kasosyo ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

Nabanggit din namin na dapat ay si Maja ang magiging manager ng anak ni Aiko Melendez na si Andre Yllana pero hindi pa niya ito maasikaso dahil marami siyang pinagkakaabalahan ngayon, isa na ang pagkakaroon niya ng project.

At heto na nga, base na rin sa kuwento ni Empoy, “Magla-lock-in taping kami ngayon nina Maja Salvador at marami pang iba. ‘Yung title, working pa lang at under TV5.  Sana po abangan n’yo po ‘yan at makapagpasaya sana sa inyo ‘yung teleserye na gagawin mo namin, thank you.”

Samantala, maraming komento kaming nabasa na hindi raw bagay ang tambalang Maja at Empoy dahil parang walang magic o chemistry.

Ang sabi namam namin halos lahat naman ng loveteam na nag-click ay nagsimula sa hindi bagay. May mga malalakas lang ang loob na producer at direktor na pinagsama sila at nang mag-click, e, di tagumpay.

Hindi naman puro guwapo’t maganda lang ang bagay na loveteam na nakasanayan na ng mga manonood, bigyan din natin ng chance ang iba.

Bakit sina Kris Aquino at Rene Requiestas noon, bagay bang loveteam? Hindi naman di ba, e, bakit nag-click sila at nakatatlo pa ang “Pido Dida” movie nila na produced ng Regal Entertainment mula 1990 hanggang 1992.

Remember, sabi nga ni Kris sa “Jojowain at Totropahin” challenge ay gusto niyang jowain si Empoy dahil super bait ng komedyante.at magalang pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya bigyan muna natin ng chance ang tambalang Empoy-Maja bago tayo manghusga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending