3 Kapuso stars na gaganap bilang Big Bert, Little Jon at Mark sa 'Voltes V' napili na | Bandera

3 Kapuso stars na gaganap bilang Big Bert, Little Jon at Mark sa ‘Voltes V’ napili na

Ervin Santiago |February 09,2021
facebook
share this

3 Kapuso stars na gaganap bilang Big Bert, Little Jon at Mark sa ‘Voltes V’ napili na

Ervin Santiago - February 09, 2021 - 09:16 AM

IPINAKILALA na ng GMA 7 ang mga Kapuso stars na maswerteng napili para maging bahagi ng pinakaaabangang live-action adaptation ng anime series na “Voltes V: Legacy”.

Pasok na nga sina Matt Lozano, Raphael Landicho at Radson Flores sa bonggang “Voltes V: Legacy” na mapapanood na very soon sa Kapuso network.

In-announce kagabi sa “Chika Minute” ng “24 Oras” na ang tatlong aktor na nga ang gaganap sa iconic roles sa “Voltes V” na sina Big Bert Armstrong, Little Jon Armstrong at Mark Gordon.

Si Matt Lozano ay ang itinanghal na grand winner sa singing contest na “Spogify” ng “Eat Bulaga” noong 2016. Siya ang napili mula sa napakaraming nag-audition para sa karakter na Robert “Big Bert” Armstrong.

Aniya, bilang preparasyon sa kanyang role, sumailalim ang binata sa intense full-body workouts bukod pa sa pag-aaral ng arnis noong kasagsagan ng lockdown.

Kilala si Big Bert bilang “defense tactician” ng grupo at tinatawag na “master of hand-to-hand fighting styles.”

Gaganap naman bilang ang cute na cute at super smart na Little Jon Armstrong ay ang Kapuso child star na si Raphael Landicho.

Bago makapasok sa live-action adaptation ng sikat na sikat at classic Japanese anime, napanood na rin si Raphael sa ilang Kapuso shows tulad ng “Love of My Life”, “Bihag”, “Tadhana” at “Magpakailanman.”

Si Little Jon Armstrong naman ang sinasabing teen genius ng Voltes V team na siyang namamahala sa Volt Frigate o ang legs ng higanteng robot.

Samantala, ang StarStruck Avenger namang si Radson Flores ang nakakuha ng role ng rodeo champion na si Mark Gordon.

Abangan ang susunod na announcement ng GMA kung sino naman ang maswerteng napili para gumanap sa dalawa pang major character sa “Voltes V: Legacy” — sina Steve Armstrong at Jamie Robinson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending