Liza umalma sa movie poster ng ‘Tililing’ nina Baron at Gina: Mental health is not a joke, stop the stigma
INALMAHAN ng Kapamilya actress na si Liza Soberano ang inilabas na movie poster ng pelikulang “Tililing” na pinagbibidahan nina Gina Pareno, Baron Geisler at Candy Pangilinan.
Hindi nagustuhan ng dalaga na tila ginawang joke o katatawanan ang issue ng mental health sa nasabing poster kung saan makikita ang mukha ng mga bida na parang mga “naka-wacky pose.”
Bukod kina Baron, Candy at Gina, kasama rin sa poster sina Chad Kinis, Donnalyn Bartolome at Yumi Lacsamana. Ang pelikula ay idinirek ni Darryl Yap na siya ring nagdirek ng mga kontrobersyal na “#Jowable” at “Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar” under Viva Films.
Nitong Feb. 6 inilabas ng VinCentiments sa social media ang poster ng movie na umani nga ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens, kabilang na nga riyan si Liza.
Sa kanyang Facebook post, nagbigay ng mensahe si Direk Darryl tungkol sa kanyang pelikula na may titulong, “Lahat tayo ay may #Tililing.”
“…Is something that escapes the comprehension of self-proclaimed mental health advocates who are making a fool out of themselves by throwing accusations at a film they haven’t even seen yet.
“They are quick to judge: ‘wag tawaging baliw o may tililing, wag mag-label, etc.’ without prior knowledge of the subject at hand.
“I bet they’ll feel ashamed of themselves for overreacting once it is revealed what the title is all about, why the poster shows the characters with their tongues sticking out.
“As evidenced by the rowdy ‘experts’ who would have us believe they know better, this film is a testimony that sometimes, those who aggressively push for reforms are the ones who further deform the system.
“And those who are supposed to take care of the ill, are the ones who make their days a living hell.
“Tililing is coming in less than a month. download and experience this genre-bending film only at Vivamax,” kabuuang pahayag ng direktor.
Sa Twitter account naman ni Liza ngayong araw, ni-repost niya ang poster ng “Tililing” at nilagyan ng caption na, “Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health.
“But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma,” aniya pa.
Maraming kumampi kay Liza sa kanyang mga sinabi pero meron ding mga kumontra. May nagsabi pa sa kanya na mag-produce rin ng pelikula na tatalakay sa mental health para mas marami siyang matulungan at ma-inspire.
Samantala, sinagot din ng direktor ang post ni Liza sa pamamagitan ng Facebook page ng VinCentiments.
Aniya, “Sa iyo Miss Liza Soberano,
“Ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang,
“HINDI KA NAMIN BIBIGUIN.
“Ang aking mga artista sa pelikulang ito ay nagdaan sa mga pagsubok na nagpatatag din sa kanilang kalusugang pangkaisipan, sigurado kaming hindi nila tatanggapin ang isang proyektong ikapapahamak ng kanilang prinsipyo at pagkatao; Matatalino ang aking mga artista, at matapang ang kanilang direktor.
“Kapag napanood niyo na po ang #Tililing ay mauunawaan ninyo bakit ito ang titulo, bakit nakalabas ang kanilang dila; at bakit namin tinitindigan ang kalidad at mensahe ng pelikula.
“Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya.
“Maraming Salamat po.
“Darryl Yap,” ang pahayag pa ni Direk Darryl.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.