Aktres nawalan ng trabaho matapos makipag-away sa manager; pinayuhang makipagbati na | Bandera

Aktres nawalan ng trabaho matapos makipag-away sa manager; pinayuhang makipagbati na

Reggee Bonoan |February 08,2021
facebook
share this

Aktres nawalan ng trabaho matapos makipag-away sa manager; pinayuhang makipagbati na

Reggee Bonoan - February 08, 2021 - 03:10 PM

TRULILI kaya na pinayuhan ng isang kilalang personalidad ang aktres na makipag-ayos na sa kanyang manager dahil kailangan niyang kumita sa rami ng bills na kanyang binabayaran.

Nabanggit ng aming source na simula nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang aktres at ang manager niya ay nawalan na siya totally ng projects.

“Marami siyang nakabinbin noon, e, dahil sa gulo nila, hayun walang natuloy. Lahat palabas ang pera niya kahit pa marami siyang naipon noon, wala namang pumapasok kaya paubos na rin,” kuwento ng aming source.

Ang karelasyon ng aktres ang tumutulong sa kanya ngayon dahil nga wala siyang income at kahit paano ang dyowa niya ay may mga projects naman at madiskarte raw ito sa buhay.

“Si _____ (karelasyon ng aktres) madiskarte ‘yun, hindi rin ganu’n karami ang projects pero hindi nauubusan ‘yun kasi ipinasok niya sa stocks at magaling ‘yung stockbroker niya kaya malaki ang nakukuha niya.

“Maruno siyang humawak ng pera  kaya naipon at saka hindi rin naman maluho, simple lang ang lifestyle niya. Pati rin naman si ____ (aktres), simple rin kaya may mga naipon siya pero kung walang pumapasok, ano na?” kuwento pa sa amin.

Dagdag pa niyang sabi, “May nakukuha namang interest si ____ (aktres) sa investment niya every quarter kaso marami rin siyang bayarin, so break-even lang, paano ang personal needs at iba pa.”

Actually, kapag nagkaayos na ang aktres at manager niya, sisigla ulit ang pangalan niya at sigurado kami buhay na buhay na ulit ang fans niya na matagal nang naghihintay sa pagbabalik niya sa pelikula at teleserye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending