Bea, Angel umaming nakapanood na ng 'porn', nangopya sa exam at nag-skinny dipping | Bandera

Bea, Angel umaming nakapanood na ng ‘porn’, nangopya sa exam at nag-skinny dipping

Reggee Bonoan |February 07,2021
facebook
share this

Bea, Angel umaming nakapanood na ng ‘porn’, nangopya sa exam at nag-skinny dipping

Reggee Bonoan - February 07, 2021 - 04:58 PM

SI Angel Locsin ang special guest ni Bea Alonzo sa latest vlog niyang “Never Have I Ever” na in-upload sa YouTube nitong Sabado ng gabi.

“Never” ang sagot kapag hindi nila ginawa ang babanggiting eksena at “I have” naman kapag naranasan o na-experience na nila ang scenario.

Feeling namin naging tapat naman sina Bea at Angel sa kanilang mga sagot tulad ng tanong na, “cheated on an exam.” Pareho silang umaming nandaya noong nag-aaral pa sila.

Pero bilin ni Bea, “Huwag gagayahin mga bata. Dati kasi ‘yung classroom namin lahat kami magkakampi kapag nakatalikod ‘yung teacher ibabato sa ‘yo (kodigo) ‘yung crumpled paper pag nasa akin na, girl (tawag niya kay Angel) grabe ang kaba ko na aatakihin ako sa puso na halos hindi ko na (mabasa ang sagot).”

Ayon naman kay Gel, “Sa amin parang cooperative ang cheating, eh. ‘Yung likod ng ID ko hindi uso ang laminate dati kaya nilalagay ko ‘yung kodigo minsan, mga formula at umabot pa talaga ‘yung ID ko sa kabilang classroom.”

Balik tanong ni Bea, “Nahuli ka?” Mabilis namang sagot ni Angel, “Never, pero isang buong classroom lahat kami 92% (grades), e, officer ako pinatawag ako, ‘Miss Colmenares bakit ganyan-ganyan?’ ‘Kasi nag-group study kami,’ sagot ko. Hindi sa dyina-justify ko, mali pa rin talaga ang cheating.”

Ikalawang tanong, “Forgotten my lines during an important scene”. Natawang kuwento ni Bea, “Nangyari na sa akin kay John Lloyd (Cruz) sa Maging Sino Ka Man (teleserye noong 2006). Kasi takot na takot ako noon sa aso, nagbe-breakdown si John Lloyd tapos may pumasok na aso dapat isang paragraph gagawin ko.

“Nakalimutan ko lahat, pang-25 takes na namin ‘yun, 25 takes ding umiiyak (si JLC), gusto niya siguro akong umbagin no’n, pero naiintindihan naman niya.”

Say naman ni Gel, “Ako naman maraming beses na pero ang memorable ay ‘yung kaeksena ko si Ms. Lorna Tolentino. Di ba pag may mga ganu’ng artista kang katrabaho dapat hindi ka magkamali, first time ko siyang makaeksena tapos Chinese ako (sa Mano Po 5: Gua Ai Di noong 2006). So Chinese ako at drama, pumasok ako at luluhod ako kasi fiancée ako.

“So, pagpasok ko ‘action’ hala hindi ko na alam ‘yung Chinese (words) na sasabihin ko, nag-imbento na lang ako, pero alam mo good take! Siguro dinab na lang nila. Siguro ayaw na lang i-cut ‘yung emotion ng umaarte.”

“Nag-dub ka?” tanong ni Bea na natatawa.

“Alam mo hindi nila ako tinawag para mag-dub,” sabi naman ni Angel.

Sa ikatlong tanong na “missed a taping to go on a date”, hindi pa ito nagawa ng dalawang aktres simula nang magsimula sila sa karera nila.

“Priority namin work,” seryosong sabi ni Bea.

Dagdag ni Angel, “Saka nakakahiya ‘yun maraming maghihintay sa ‘yo, never-never! Saka na ang kalandian.”

Grabe si Bea dahil “I have” ang sagot niya sa tanong na “spent P500k for 1-day shopping.” “Dati ‘yun bago mag-pandemic,” sambit nito.

Nakangiting sabi ni Angel, “Nagpagawa ka yata ng bahay that time?”

Umoo naman si Bea, “Uy, nag-mature na ako. Ha-hahaha! Sa totoo lang 2020 wala akong masyadong binibili para sa sarili ko kasi doon mo nalaman kung ano talaga ang mas importante, basic lang.”

“Never” naman ang sagot ni Angel sabay sabing gusto na rin niyang matuto ng pagkukumpuni ng mga sirang gripo, “Kasi doon mo maa-appreciate na free like pag-aayos ng gripo na alam mong napakaimportante bakit hindi ako marunong?”

Sa tanong kung nakapanood na sila ng “porn”, napahalakhak ang magkaibigan.

“Tao lang po,” say ni Bea.

Hirit naman ni Angel, “Who doesn’t?”

Pero may dahilan si Bea, “Dati kasi pinapasok kami sa sensuality workshop at manonood ka ng porn.”

Tawang-tawa rin ang dalaga sa tanong na “tried skinny dipping” o nag-swimming nang hubo’t hubad.

“Very private naman ‘yung place,” sabi ng dalawa.

Nasubukan na ba nilang matawag sa ibang pangalan ang partner nila? Sabi ni Angel, “Ay grabe ‘yun!” kaya  “never” ang sagot niya.

Tumatawang sabi naman Bea, “I have” na ikinaloka ni Angel, “Oh my God!”

“Kasi ginagawa ko noon A Love to Last (teleserye noong 2017).  Ang tawag ko sa karakter ni Anton (Ian Veneracion) ‘Love.’ Kaya natawag kong love (boyfriend niya) kasi sanay ‘yung bibig mo,” esplika ng dalaga.

Sabay tanong ni Gel, “Nag-react?” “Oo, tinawag niya rin akong Love, may iba rin pala siyang tinatawag na love. Ha-hahahaha! Char,” tumawang sagot ni Bea.

Ang sunod na tanong “tried activity or sport just to please my partner”. “I have” ang sagot ni Bea at sabay hirit ni Angel ng, “Golf ba yan?” habang tumatawa pa rin.

Golfer kasi ang boyfriend ni Bea noon na si Zanjoe Marudo, tumagal din sila ng limang taon.

“I have” rin ang sagot ni Angel dahil pinasok niya ang mundo ng ex-boyfriend niyang si Phil Younghusband na isang football player.

Say ni Angel, “Ako naman hindi ko ginawa pero nanood ako, pumupunta ako sa football. Alam mo hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ako pumapalakpak talaga (sabay hampas sa kanya ni Bea).

“Hindi seryoso talaga, nu’ng una nagpi-pretend akong naiintindihan ko, hindi ko naiintindihan basta alam ko naggo-goal ganyan, may mga rules na hindi ko naiintindihan. Basta pag umiingay ang tao, umiingay na rin ako na para kang naalimpungatan na papalakpak ka na rin ganu’n.”

Nasubukan na ni Bea ang next question, “slapped someone in real life.” Sagot naman ni Angel  “Suprisingly wala pa akong nasasampal. Nakakagulat, di ba?”

Hirit ni Bea, “Siya (sabay turo kay Angel) siya ‘yung parang kayang (manapak).”

Nagulat naman si Angel na may nasampal na ang kaibigan, “Seryoso ka Be? Mapagpigil kang tao, ah?”

“I have. Kinol ko siya sa other room tapos slapped ko siya kasi may sinabi siya sa akin na parang medyo nayurakan ang pagkababae ko (sabay tanong ni Gel na tinakpan ulit ang mukha). Natsika sa buong set, pero okay lang. They didn’t take it against me kasi nga alam din nila ‘yung nangyayari,” kuwento ni Bea.

Marami pang rebelasyon sa nasabing vlog na mapapanood sa YouTube channel ni Bea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending