Heart sa mga ex-dyowa: Mahirap ba akong kalimutan? Char! Eme lang!
SUMUSUMPA ang Kapuso star na si Heart Evangelista na never siyang “nag-stalk” sa mga dati niyang boyfriend sa social media.
“Sila siguro, char!” ang natatawang sagot ng fashion icon sa tanong ng isa niyang Instagram follower tungkol dito.
“Na-like pa nga accidentally ng isa pic ko — and he doesn’t follow me. Medyo naloka ako. Buti na lang cutie pic ko with a dog,” hirit pa ng aktres na naging dyowa noon ng mga celebrities na sina John Prats, Jericho Rosales at Daniel Matsunaga.
Kasunod nito, nag-post naman siya ng litrato ng kanyang husband na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero at muling sinagot nang seryoso ang tanong netizen.
“My answer is no. If you marry someone as amazing as this guy? The others are just dust particles in outer space. Thank you Lord napakahusay mo sa turn of events,” pahayag ni Heart.
Nauna rito, sinagot din niya ang tanong ng isang IG user kung sino sa mga ex dyowa niya ang gusto niyang maging kaibigan.
“Ang problem ‘di nila bet makipag-friends sa akin. Kaloka! But thank you pa rin for the movie-like memories. Mahirap ba ako kalimutan? Char! Eme lang!” ang sagot ni Heart.
Samantala, inamin din ni Heart na nai-insecure rin siya noon sa kanyang katawan at kulang na kulang pa ang kanyang confidence pagdating sa pananamit.
May isa kasing netizen ang nag-open ng topic tungkol sa insecurity, at dito nga nabanggit ni Heart ang naging struggle niya pagdating sa pagkakaroon ng self-confidence at self-love.
“Me too! But through the years, I’ve discovered to play around with what I wear. I’m 5’2 and my waist is not that small or, in short, madami ako issues but it’s all about working around your body. Being confident as well!” aniya.
Dagdag pa ni Heart, “At the end of the day, if we don’t achieve our body goals, charm always works! With my line of work I’m always surrounded by beautiful people but I survived! Being kind and pleasant is always the key!”
“The charm of a person is always so beautiful,” dagdag pa ng wifey ni Chiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.