Regine sa ‘confused straight guy: Ang tanong ko lang, may CD ba kita at kung ‘R2K’ yan confirmed!
BONGGA ang naging advice ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa isang male college student na naguguluhan sa kanyang sexual preference.
Ayon kay Regine, kung “confused” ngayon ang nasabing guy ang dapat lang niyang gawin ngayon ay magpakatotoo at aminin sa kanyang sarili kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman.
Nakipagchikahan ang Songbird sa nakaraang episode ng “Walang Kwentang Podcast” nina Direk Antoinette Jadaone at screenwriter-actor na si Juan Miguel Severo at isa nga sa napag-usapan nila ang problema ni “Mando”, isang architecture student na nagsabing isa siyang “straight guy.”
Ayon sa kanya, three years na ang relasyon nila ng kanyang girlfriend pero bigla siyang naguluhan nang halikan siya ng isa niyang kaibigang lalaki. Aniya, mahal niya ang dyowa niyang babae pero hindi niya makalimutan ang halik ng kanyang guy friend.
Reaksyon ni Regine, “Nowadays kasi may gender fluidity na. I always hear kids talk about it. Hindi na kagaya nu’ng araw na binibigyan ka ng tag na kapag dito ka, dito ka lang. Very segregated.
“Ngayon parang it’s fluid. It seems like kids nowadays are more open to other possibilities and other kinds of relationship,” aniya pa.
Birong chika pa ng Songbird, “Ang tanong ko lang kay Mando, may CD ba kita? May CD ka ba ni Roselle Nava? May CD ka ba ni Barbra Streisand? And very important pa, anong CD ko ang meron ka? Kung ‘R2K,’ confirmed!”
Hirit pa ng tinaguriang gay icon, “’Wag nang kwestiyunin. Kasi ang mga lalaki ‘di ko fans, karamihan nga mga alam mo na.”
Pero aniya, seriously speaking, “Kung mahal mo, you wouldn’t really get confused. For me it’s considered cheating already kasi may affection, ‘di ba? Siguro tell the truth na lang. Tell the girl. Don’t waste her time. Don’t waste your time also. Magpakatotoo ka, girl.”
Samantala, super excited na ang mga Reginians sa kauna-unahang virtual Valentine concert ng Songbird na “Freedom.” Sey ni Ate Regs, dalawang oras tatagal ang show at aabot sa 20 production numbers ang kanilang inihanda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.