Juliana Gomez dyowa na nga ba ang national athlete na si Miggy Bautista? | Bandera

Juliana Gomez dyowa na nga ba ang national athlete na si Miggy Bautista?

Reggee Bonoan - February 02, 2021 - 03:08 PM

ALAM kaya ng magulang ni Juliana  Gomez na sina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez na may boyfriend na ang anak nila?

Siguro naman dahil alam ng lahat na close ang dalaga sa kanyang magulang at higit sa lahat, legal na siyang magkaroon ng love life sa edad na 21.

Nakapagtataka lang dahil bakit walang post si Juliana sa kanyang social media account ng anumang tungkol sa boyfriend niya gayung ang maswerteng guy na si Miggy Bonnevie Bautista na isang fencer at kasama sa Philippine Fencing Team ay pinost ang mga larawan nila ng dalaga.

Naunang post ni Miggy ay ang larawan nila ni Juliana na masayang nagkukuwentuhan at umiinom ng red wine nong Disyembre, 2020. At kung hindi kami nagkakamali ay tila kuha ito sa bahay ng mga Gomez.

Kasunod ay ang black and white photos nila ni Juliana na blurred ang isa na magkatabi sa upuan, at ang ikalawa ay ang humalik si Miggy sa kanang braso ng dalaga at ang ikatlo ay ang nag-uusap sila ng masinsinan habang nakasandal ang unica hija nina Richard at Lucy sa sofa kung saan nakalagay ang kaliwang kamay ng binata.

Walang caption si Miggy_Piggy sa mga larawan at heart emoji naman ang inilagay ni Juliana na sinagot ng binata ng kissing emoji.

At dahil fencer si Miggy at miyembro ng Philippine Team ay tiyak na kilala siya ni Goma na isa ring fencer dahil sabay pa sila minsan mag-training.

Naimpluwensiyahan ni Richard ang anak sa pagpe-fencing na naging sport na rin ng dalaga at plano rin yata nitong sumali sa competition tulad ni Miggy.
Nakapag-uwi na ng bronze medal ang binaya nang sumali ito sa U17 division ng National Swiss Cadet Competition noong 2018 sa Fribourg, Switzerland at sa parehong taon din ay nakakuha rin siya ng gold medal sa individual Juniors epee competition.

* * *
Pagkatapos ng halos sunod-sunod na nominasyon, tuluyan nang natuldukan ang pagiging housemate ni “Miss Malakas ng Misamis Oriental” na si Aizyl Tandugon matapos siyang ma-evict sa bahay ni Kuya noong Linggo (Enero 31) sa “PBB Connect.”

Dikit ang laban ni Aizyl sa malapit na kaibigan na si Ella Cayabyab. Nakakuha si Aizyl ng 12.61% na pinagsamang boto mula sa Kumu at text, habang 12.68% naman ang botong pumasok para kay Ella sa naging ika-anim na eviction night.

May pasabog ding magaganap sa “PBB Connect” dahil pwedeng makapasok sa bahay ni Kuya ang avid viewers bilang houseguest.

Nailunsad na ang “Online Bahay Ni Kuya” sa Kumu app, kung saan kailangang magawa ng aspiring houseguests ang online tasks ni Kuya para mabigyan ng pagkakataon na makapasok sa bahay niya.

Ang dalawang aspiring houseguests na makakatanggap ng pinakamaraming diamonds sa Kumu ang makakapasok sa “PBB” house at mabibigyan ng pagkakataong makipagsabayan sa housemate’s para sa weekly task nila ng isang linggo.

Para maging houseguest, kailangan maging isang Pilipino na nasa edad 18-35 taong gulang, may sariling Kumu account, fina-follow ang official PBB social media accounts, handang mag-livestream sa Kumu, at harapin ang mga task ni Kuya.

Sino na naman kaya ang mapapabilang sa mga nominado ngayong linggo? Ilang Kumuzens kaya ang tatanggap sa online tasks ni Kuya para maging houseguest?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,”  10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending