12-anyos na batang babae na naghahanap ng signal, ginahasa at pinatay sa Quezon | Bandera

12-anyos na batang babae na naghahanap ng signal, ginahasa at pinatay sa Quezon

Karlos Bautista - February 02, 2021 - 03:20 PM

 

Isang 12-taong batang babae na naghahanap ng phone signal para makausap ang kanyang guro ang pinatay matapos halayin ng isang 35-taong gulang na lalaki sa bayan ng San Narciso, Quezon.

Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI)-Quezon nitong Martes, sumuko sa kanilang tanggapan si Allan Mendeja at inaming siya at hindi ang kanyang ama ang salarin sa panggagahasa at pagpatay kay  Bheanne Banico noong Nobyembre 20.

Matapos matagpuan ang bangkay ng bata sa Bgy. Punta, San Narciso, inaresto ng pulisya ang ama ni Allan na si Artemio Mendeja, 66, isang magsasaka at mangingisda. Sinampahan siya ng kasong rape with homicide.

Pero makaraan ang ilang araw, lumabas si Allan para sabihing siya ang may kagagawan sa nangyaring krimen.

“Ako po ang salarin, hindi si tatay,” wika ni Allan nang tanungin ng NBI agent na si Ferdinand Dagdag, na siyang may hawak ng kaso.

Isinuko rin ni Allan ang itak na kanya umanong ginamit para tagain si Banico at pati na rin ang nawawalang cellular phone ng bata.

Sa salaysay ni Vicente Banico, 65, lolo ng biktima, sinabi niya na umalis ng bahay ang kanyang apo dakong 6:30 ng umaga noong Nobyembre 20 para maghanap ng lugar na may signal ang cellular phone. May kailangan umanong itanong si  Bheanne, na isang Grade 7 na mag-aaral, sa kanyang guro.

“Nagpaalam po siya na pupunta lang doon sa lugar na may signal ang cell phone dahil kailangan niyang mag text sa kanyang teacher. Pero 8 a.m. na ay hindi pa siya bumabalik kaya sinundan ko na siya para hanapin,” ayon sa lolo ng bata.

Ayon kay Vicente, natagpuan niya ang bangkay ni Bheanne na walang saplot at may malalim na taga sa leeg at katawan dakong 8 ng umaga.

Sa  follow-up operation ng San Narciso Police Station, may ilang testigo ang nagturo kay Artemio bilang salarin. May mga bahid din ng dugo ang kanyang katawan at pantalon, dahilan para siya ay arestuhin ng pulis.

Ngunit kalaunan ay lumabas si Allan para amining siya ang totoong salarin. Ang suspek ay iniwan ng asawa para sa ibang lalaki.

Sa kanyang sinumpaang salaysay sa NBI-Quezon, sinabi ni Allan na nakita niya sa may bundok si Bheanne. Nilapitan niya ito, sinuntok sa tiyan na siyang dahilan para mawalan ng malay ang biktima.

Hinalay ni Allan ang bata at nang magsimula itong magkamalay ay nag-agawan umano sila sa itak. Muli niyang sinuntok sa tiyan ang biktima.

At kasunod nito ay tinaga niya si Bheanne ng dalawang beses sa may leeg at sa tiyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkatapos ay tumungo si Allan sa may burol at doon ay winasak niya ang mobile phone ng biktima.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending