Cindy Kurleto na-bully nang bongga matapos amining iniwan si Jericho dahil sa ibang lalaki | Bandera

Cindy Kurleto na-bully nang bongga matapos amining iniwan si Jericho dahil sa ibang lalaki

Ervin Santiago - February 02, 2021 - 09:51 AM

NA-BASH nang bonggang-bongga ang TV host at dating aktres na si Cindy Kurleto matapos ibandera ang tungkol sa past relationship nila ni Jericho Rosales.

Matinding pambu-bully ang nararanasan ngayon ng former “Eat Bulaga” host mula sa mga netizens mula nang sabihing iniwan niya si Echo noon para sa isang lalaki na siya ngang naging asawa niya.

Aminado si Cindy na may kaunting pagsisisi siyang naramdaman nang mabasa ang mga hate message mula sa mga bashers niya sa social media, lalo na sa mga tagasuporta ni Echo.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Cindy ng official statement hinggil sa issue para pakalmahin ang mga haters. Pero kasabay nito, kinondena rin niya ang pambabastos at pambu-bully ng ilang netizens.

“It’s probably true: I should’ve never answered that forever reoccurring, pesky question. Silly [of me] to think I could make it go away by answering [it] very clearly.

“But, bullying me for speaking my truth is not okay.

“My tone reflects my annoyance at how this topic won’t rest, not because I’m unhappy with the choices I made.

“Hence why I dedicate today’s Stories to celebrating my life and my family,” mahabang pahayag ng model-host.

Kung matatandaan, nagpa-Q&A session si Cindy sa kanyang Instagram Story kung saan sinagot nga niya ang tanong ng kanyang followers na, “You had a boyfriend from showbiz?” at “You have really dated Jericho Rosales in the past?”

Sinagot niya ito sa pamamagitan ng litrato nila ni Echo at kinumpirma ngang two years tumagal ang relasyon nila ng aktor pero naghiwalay din dahil mas pinili niya ang negosyanteng si Daniel Joseph Navalia.

“Almost two years. I left him for the man who became the father of my children. Someone, somewhere, will not like this post, but I’m not lying,” ang pag-amin ni Cindy.

Ilang taon na ang nakararaan, naging malaking issue noon sa showbiz ang break-up nina Echo at Kristine Hermosa at si Cindy nga raw ang itinuturing na third party.

Masaya na ngayon si Echo sa piling ng kanyang asawang si Kim Jones habang super happy na rin si Tintin sa buhay niya kasama si Oyo Sotto at ang apat nilang anak. Buntis din siya ngayon sa ikalimang baby nila ni Oyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ten years na ngayong naninirahan si Cindy sa Peru kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Balak na sana nilang bumalik sa Pilipinas pero bigla ngang nagkaroon ng pandemya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending