Nag-design ng ‘lava gown’ ni Catriona sa 2018 Miss U, napiling gumawa ng pangkasal ni Kris Bernal
ANG designer ng bonggang-bonggang “lava gown” na isinuot ni Catriona Gray sa 2018 Miss Universe ang gagawa ng wedding dress ni Kris Bernal.
Ayon sa aktres, ang magaling at sikat na fashion designer na si Mak Tumang ang napili niyang gumawa ng isusuot niyang wedding gown sa kasal nila ng fiancé na si Perry Choi.
Ibinalita ito ng dalaga sa kanyang Instagram page kung saan niya ipinaliwanag kung bakit si Mak Tumang ang kanyang naging first choice.
Ipinost ni Kris sa IG ang photo nila ni Mak (parehong nakasuot ng face mask) na kuha sa opisina ng designer. Aniya sa caption, “Initial appointment with @maktumang today,” she wrote in the caption.
“I’ve been in love with his designs for a very long time. It will be a dream come true to wear one.
“And, I’m so excited how he will work his magic on what’s going to be the most important dress in my life,” pahayag ng drama actress.
Kung wala nang magiging hadlang, ngayong taon na magaganap ang kasal nina Kris at Perry. Ngayong darating na May na sana ang wedding nila pero mauurong daw ito dahil nga na-delay din ang preparasyon nila dahil sa pandemya.
“Ang plan talaga namin, next year, mga May o September. Balak naming i-move sana, pero naisip namin, bakit hindi na lang tayo mag-simple wedding. Kasi, since magpapagawa naman kami ng bahay,” lahad ni Kris sa isang panayam.
“Parang gusto na lang naming ibuhos yung gastos sa house. Kesa sa bonggang wedding na bawal din naman, di ba? Sina-suggest nga niya sa akin, ‘Alam mo, magpakasal na tayo para may dahilan ka para magtipid,” natatawa pang sabi pa ng aktres.
Sey pa ni Kris, okay lang sa kanya ang simpleng kasal pero dapat daw bongga ang wedding gown, “Oo, simple lang, pero yung makapag-gown naman sana ako nang bonggang-bongga. Kahit sa gown man lang.”
Nag-propose ang negosyante kay Kris noong February, 2020 sa mismong birthday niya na ginanap sa Quezon City na mismong ang aktres ang nag-organize.
Sey ni Kris, ang engagement nila ng kanyang boyfriend ang “best thing” na nangyari sa kanya noong 2020.
“I learned to appreciate life in a positive way and do things for myself and not the viewpoint of others. I began to cherish each and every small thing or moment in my life.
“The best things in the world are not in the material objects that one can buy from the store, but in the memories, we make with the people we love,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.