Life story ni Arnel Pineda na ipoprodyus ng Warner Bros tuloy na tuloy na
MASAYANG ibinalita ng Journey frontman na si Arnel Pineda na tuloy na tuloy na ang pagsasapelikula ng kanyang makulay at inspiring life story.
Marami kasi ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa plano ng Warner Bros na isalin sa isang bonggang movie ang buhay ng international Filipino singer.
“It’s going to happen,” ang paniniguro ni Arnel sa nasabing proyekto na ididirek ng sikat na filmmaker na si Jon M. Chu, na siya ring nagdirek ng Hollywood movie na “Crazy Rich Asians” kung saan napanood ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
“I think they’re gonna start. Some people from Warner will start coming here, I think maybe with Jon Chu and Scott Silver (Joker screenwriter).
“They might come here to audition actors and actresses that will take part in my biopic,” pagbabalita ni Arnel sa panayam ng Rolling Stone.
Pahayag pa ng bokalista ng The Journey, excited na siyang ibandera sa buong mundo ang mga naging kaganapan sa buhay niya — kung saan siya ipinanganak, lumaki, nagkaisip at nangarap bago niya narating ang tinatamasang tagumpay.
Aniya, nagkausap na sila ng susulat ng script ng kanyang biopic pero hindi pa niya alam kung anu-anong bahagi ng kanyang buhay ang isasama sa pelikula.
“What’s interesting about my story is that I’ve survived two coup attempts here in the Philippines before I went to Hong Kong for 10 years.
“I don’t know if he plans to tell what happened to me in Hong Kong, but I had 10 years there. He might focus on my love story with my wife now,” kuwento pa ni Arnel.
“I’ve been implying it to him that we should end everything in Chile. And I remember when my wife decided to join me on tour in 2011.
“We were playing to a 30,000 crowd that night. I was telling my wife, ‘Remember Hard Rock Cafe when there were only three tables?
“Now it’s 30,000 people.’ It was just unbelievable. It doesn’t get old to me. It’s still so surreal and bizarre,” lahad pa ng singer.
Sa isa pang panayam, nabanggit ni Arnel na nais sana niyang maisama sa pagsasapelikula ng kanyang buhay ang pinagdaanang hirap at matitinding pagsubok ng kanyang pamilya at ang mga “bisyong” napagtagumpayan niyang ibasura.
Kung sakaling matuloy nga ang biopic ni Arnel, ito na ang ikalawang feature-length film na tatalakay sa kanyang masalimuot ngunit makulay na buhay.
Noong 2012, ipinalabas ang documentary na “Don’t Stop Believin’: Everyman’s Journey” kung saan ibinandera naman ang mala-fairy tale na kuwento ng kanyang pagiging musikero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.