Mga aktibidad para sa Chinese New Year sa Maynila, kinansela ni Mayor Isko Moreno
Kinansela ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng aktibidad para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Sa inilabas na Executive Order No. 4, series of 2021, kanselado ang mga aktibidad mula February 11 hanggang 12, 2021.
“For the purpose, no street party, stage show, parade, palarong kalye, or other similar activities shall be held during the Chinese or Lunar New Year celebration in the City of Manila from February 11 to 12, 2021,” saad nito.
Layon nitong makaiwas sa banta ng Covid-19 lalo na sa UK variant nito.
Hindi rin papayagan ang dragon dance dahil maaari itong manghikayat ng maraming tao na posibleng maging sanhi ng pagkahawa ng Covid-19.
Ipagbabawal din ang paggamit ng firecracker at pyrotechnic devices sa buong lungsod sa nasabing petsa.
“Selling of liquor and other alcoholic beverages within the Binondo Chinatown area shall likewise be prohibited from February 11 to 12, 2021,” dagdag pa nito.
Ipinag-utos naman sa lahat ng opisyal ng barangay na ipatupad ang mga kinakailangan hakbang upang maipatupad ang EO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.