Mabentang female star mahilig manira ng kapwa aktres; problemado sa asawa | Bandera

Mabentang female star mahilig manira ng kapwa aktres; problemado sa asawa

Reggee Bonoan - January 29, 2021 - 04:57 PM

“KAILANGAN kong mag-work kaya kahit ano tinatanggap ko, need kong buhayin ang pamilya ko.”

Yan ang kuwento ng mabentang aktres sa mga co-actors niya kapag nagkakausap sila sa kanilang free day sa lock-in taping na malayo sa kabihasnan.

Sa 15 days lock-in taping ay may two days silang libre at since maluwag naman ang receiving room na over looking ang isang magandang beach at fresh air kaya nagkakakuwentuhan ang mga artista sa isang programa.

Si mabentang aktres ay marami nang ipon dahil nakabili na rin siya ng properties na nakakadagdag din sa pinagkakakitaan nila ngayon ng pamilya bukod pa sa kaliwa’t kanang product endorsement.

Kaya talagang buhay na buhay sila lalo’t hindi naman sila magastos dahil galing din naman sila sa hirap kaya simple lang ang buhay nila plus kumikita na rin ang mga anak sa pagti-TikTok.

Pero ramdam ng mga kausap ni mabentang aktres na pagod na rin ito sa kakatrabaho dahil kahit may COVID-19 pandemic ay kailangan niyang kumayod samantalang ang mga kasabayan niya ay ini-enjoy ang buhay dahil dalawang projects lang kada taon ang tinatanggap hindi katulad niya na nakakatatlong project iba pa ‘yung mga guestings.

Kinumusta namin sa aming kausap na nagkukuwento kung kumusta ang asawa ng mabentang aktres at bakit tila hindi nababanggit sa kuwento.

“Medyo irita si _____(mabentang aktres) kasi hindi nagwo-work. Pero kapag magkasama super sweet naman sila,” tsika ng aming kausap.

Anyway, mukhang hindi na ulit gustong kunin si mabentang aktres ng producer na nakatrabaho niya dahil ayon sa common friend namin, “May attitude at mahilig manira ng co-actress niya kasi kahit hindi nga magtrabaho si _____ (siniraang aktres), buhay na buhay dahil may work ang asawa.”

Dagdag pa, “Tsaka pabida lagi, gusto niya siya lagi ang bida sa kuwentuhan at para makuha niya ang atensyon ay mahilig siyang magpakain, nagluluto o kaya nagpapabili ng maraming food.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabagay, nabanggit din ito ng ka-tsika naming aktres na dati niyang naka-work tapos nu’ng lumipat sa ibang network na ang katsika namin ay dinededma na siya ni mabentang aktres as in seen zone lang kapag nagdi-direct message ang una.

Nakakabago ba talaga ng ugali ang pagkakaroon ng kaliwa’t kanang projects?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending