Sikat na aktor suma-sideline sa ibang babae kapag wala si misis; nakikipaglandian sa taping | Bandera

Sikat na aktor suma-sideline sa ibang babae kapag wala si misis; nakikipaglandian sa taping

Reggee Bonoan - January 29, 2021 - 02:22 PM

SOBRANG tulis pala ng isang sikat na aktor na akala namin ay one-woman-man.

Iyon naman kasi ang imaheng itinanim niya sa publiko lalo na sa mga fans niya na simula nu’ng pumasok siya sa showbiz hanggang ngayon ay hindi siya iniwanan.

Pero mali pala, dahil sa kabila ng maganda niyang imahe sa publiko ay may tagong landi pala kapag nasa labas na siya ng bahay at wala na sa tabi ng asawa.

Irresistible rin naman kasi ang sikat na aktor kaya siguro maraming girls ang bumibigay sa kanya bukod pa sa pagiging generous niya pagdating sa pagreregalo.

Anyway, sa bawa’t pelikula o teleserye niya ay lagi siyang may “kalandian” kaya napaisip kami, ‘yung dalawang sikat na aktres na nakasama niya sa pinag-usapang serye ay nabiktima rin ng kanyang karisma?

Pero sa pagkakatanda namin ng mga panahong iyon ay may karelasyon pareho ang dalawang sikat na aktres na kasama ng sikat na aktor at wala naman kaming balitang suma-sideline ang mga dalagang ito sa ibang lalaki.

Imposible kasing sa supporting characters siya makipaglandian dahil pawang bagets pa ang mga ito at pawang senior citizen naman ang iba.

Anyway, ang sikat na aktor ay nakikitang madalas sa out of town trips kasama ang asawa’t mga anak dahil ito ang pinaka-bonding nila kapag wala siyang trabaho.

By the way, ang tinutukoy naming aktor ay minsan na naming na-blind item dito sa Bandera dahil sa pagiging pasaway.

Remember yung kuwento sa isang lock-in taping kung saan nagpipilit siyang lumabas ng venue na hindi pinayagan ng mga guwardia dahil sa mahigpit na bilin ng management at ng producer?

Yes, siya na nga yun! Gets n’yo na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending