Kylie sa 'no label' na relasyon: Magulo at nakakabaliw pag hindi n'yo alam kung ano ba kayo! | Bandera

Kylie sa ‘no label’ na relasyon: Magulo at nakakabaliw pag hindi n’yo alam kung ano ba kayo!

Ervin Santiago - January 29, 2021 - 12:59 PM

“NAKAKABALIW” para kay 2016 Miss International Kylie Verzosa kapag walang label ang isang relationship.

Minsan na ring na-experience ng beauty queen-actress ang magkaroon ng relasyon kung saan hindi niya alam kung ano ba talaga ang “ipinaglalaban” nila — yun bang parang kayo, pero parang hindi rin.

Sa nakaraang virtual presscon ng bagong project ni Kylie na “Parang Kayo Pero Hindi,” kasama sina Xian Lim at Marco Gumabao, inamin ng dalaga na nabiktima na rin siya ng “no label” na relasyon.

Pero siniguro niya na hindi niya ito naranasan sa boyfriend niya ngayong si Jake Cuenca. Medyo matagal na raw ito at talaga namang nakaka-frustrate para sa isang babaeng tulad niya.

Sa nasabing presscon, natanong si Kylie kung naranasan na niyang magkaroon ng dyowa pero parang hindi naman sila tulad nga ng tema ng bago niyang movie.

“I think I’ve been in a relationship na parang magulo at nakakabaliw kapag hindi niyo alam kung ano ba kayo,” pahayag ni Kylie.

Patuloy pa niya, “So, para sa akin, very confusing, nakaka-frustrate. I can go crazy kapag hindi ko alam kung ano ba tayo kasi mas gusto ko na may concrete label.

“Yes, I’ve been through one, and I’ve learned from that,” aniya pa.

Dagdag pa ng dalaga, “Pero parang naging kami naman, eventually. I think every relationship makes you learn and become a better person.

“Hindi ako magiging who I am today without that part of my life,” sabi pa niya.

Samantala, hiningan din ng reaksyon si Kylie sa mga nagsasabing siya na raw ngayon ang “face of the movie” ng Viva Films dahil sa sunud-sunod niyang pelikula.

Bukod sa “Parang Kayo Pero Hindi”, ipalalabas na rin ang kanyang suspense-thriller na “The Housemaid”.

“Face of the movie? I guess I’m very honored, starting from becoming a beauty queen tapos actress, hindi siya madali dahil ang tingin sa ‘yo ng tao beauty queen.

“But, unti-unti kong sinusubukan na tanggalin yung image na ‘yon, ‘tapos ipapakita ko sana kung sino talaga si Kylie. Or in this case (sa pelikula), kung sino si Daphne.

“So feeling ko, masasabi ko naman na makikita niyo dito o sa mga susunod na ibang proyekto, iba sa Kylie na nakilala ninyo as Miss International. Sana ma-appreciate niyo siya,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa Feb. 12 ang Valentine offering ng Viva na “Parang Kayo Pero Hindi”, na mapapanood lang sa VivaMax, sa direksyon ni RC Delos Reyes at sa panulat ni Noreen Capili.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending