Political clan sa Luzon 25% ang hirit na kickback sa mga kontratista | Bandera

Political clan sa Luzon 25% ang hirit na kickback sa mga kontratista

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
January 27, 2021 - 02:18 PM

Hindi kinaya at umayaw ang ilang mga suking kontratista ng isang political clan sa Luzon.

Ito ay dahil sobra ang hinihirit na porsyento ng nasabing pamilya na umaabot sa 25 percent kada proyekto.

Sinabi ng aking cricket na wala nang matitirang kita sa nasabing mga negosyante kapag pinagbigyan nila ang hirit na kita ng pamilyang bida sa ating kwento ngayong araw.

Sa pagtatanong ng aking cricket ay kanyang nabisto na plano palang tumakbo bilang pangalawang pangulo ang isa sa mga miyembro ng political clan.

Kailangan nila ng malaking pondo at mapupunan ito sa tulong mga kontratista bukod pa sa kanilang mga regular na supporters.

Nabisto rin ng aking cricket na hindi sarado ang bangkong pag-aari ng ating mga bida dahil patuloy umano itong ginagamit sa pagpasok ng pera mula sa abroad.

Hanggang sa ibang bansa kasi ay mayroon silang mga tagasuporta dahil sa kanilang dating “raket” bago napasok ang naturang pamilya sa pulitika.

Sa nasabing bangko, ayon sa aking cricket, ay posibleng idinadaan ang pondo galing sa abroad.

Tiyak na mananagot sila kay Lord pagdating ng tamang panahon dahil sa mali nilang mga gawain, ayon pa sa aking cricket.

Hindi na kailangan ang clue dahil given na kung anong angkan ang bida sa ating kwento na naunang sumikat dahil sa kanilang pananampalataya sa diyos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending