GMA tinupad agad ang wish ni Richard Yap na makatrabaho si Bitoy
AGAD na tinupad ng mga bossing ng GMA 7 ang isa sa mga wish ni Richard Yap — ang makatrabaho si Kapuso TV host-comedian Michael V..
Aminado ang dating Kapamilya actor na matagal na niyang hinahangaan si Bitoy bilang isang komedyante at super fan din siya ng longest running Kapuso gag show na “Bubble Gang.”
Sa katunayan, sa panayam kay Richard matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network last December, 2020 talagang binanggit niya na gustung-gusto niyang makasama sa isang proyekto si Michael V.
Nais kasi niyang subukan ang iba’t ibang genre sa telebisyon at maging sa pelikula at excited na siyang masubukan ang pagko-comedy.
Aniya, “I’ve been following Bubble Gang for a long time, ever since I was how many years ago was that…so Michael V. is one of the male actors that I would like to work with.”
At hindi pa nga siya nagtatagal bilang Kapuso pinagbigyan na ng GMA ang hiling niya. This coming Saturday, Jan. 30, mapapanood siya bilang special guest sa top-rating comedy show ng GMA na “Pepito Manaloto.”
Sa ilang litrato na ibinahagi ng GMA sa social media, makikita si Richard sa taping ng show nina Bitoy kasama ang regular cast members na sina Jessa Zaragoza at Jen Rosendahl, na gumaganap bilang sina Deedee at Berta.
Kayo na ang humusga kung pasado na bang comedian si Richard sa darating na Sabado sa “Pepito Manaloto” after “24 Oras Weekend.”
Nauna nang napanood ang aktor sa weekly dramedy (drama-comedy) show ni Eugene Domingo na “Dear Uge” kung saan muli siyang nagpakitang-gilas sa pagpapakilig.
Sa isa pang interview kay Richard Yap nabanggit din niya ang mga Kapuso actress na nais niyang makatrabaho.
“Marami actually that I look up to like Heart Evangelista, Marian Rivera, Lovi Poe, Rhian Ramos, Solenn Heussaff, ang dami actually, e. Pero top of mind ‘yun muna. I’ve worked with Jean Garcia before and we had a great time doing a movie together,” pahayag pa ni Richard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.