Pepe Herrera napiling leading man ni Toni sa Pinoy version ng My Sassy Girl; may pabor, may kontra | Bandera

Pepe Herrera napiling leading man ni Toni sa Pinoy version ng My Sassy Girl; may pabor, may kontra

Ervin Santiago - January 26, 2021 - 11:10 AM

ANG komedyante at character actor na si Pepe Herrera ang napiling leading man ni Toni Gonzaga sa Philippine adaptation ng hit Korean movie na “My Sassy Girl.”

Ibinandera ng TinCan Films ang balita sa kanilang official Facebook page kalakip ang ilang litrato na kuha sa set ng pelikula kabilang na ang mga eksenang magkasama ang dalawang bida.

“Grateful for your warm response for our Sassy Girl. Today, let us celebrate the guy who will tell her story.

“We are proud to share with you Pepe Herrera as our leading man for My Sassy Girl,” ang bahagi ng announcement ng TinCan Films na pag-aari ni Toni.

Ang Kapamilya TV host-actress ang gaganap sa lead character ng “My Sassy Girl” na unang ginampanan ng Korean actress na si Jun Ji-hyun.

“In celebration of its 20th Anniversary, this year we will relive the classic Korean RomCom with its Philippine adaptation. On her birthday, we are proud to announce Toni Gonzaga is Philippines’ My Sassy Girl,” ang unang balitang ibinandera ng TinCan.

Marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ni Toni kay Jun Ji-hyun kaya swak na swak sa kanya ang role.

Gagampanan naman ni Pepe sa Pinoy version ng “My Sassy Girl” ang karakter na unang binigyang-buhay ng Korean actor na si Cha Tae-Hyun.

Ipinalabas ang original version ng pelikula noong 2001 na itinuturing sa South Korea bilang highest-grossing comedy film of all time.

Sa kanyang vlog, sinabi naman ni Toni na ang proyektong ito ay isa sa maituturing niyang “greatest career achievement” sa ilang taon niyang pagiging aktres. In fact, gustung-gusto na niya itong gawin noon pang 2006.

Kuwento ng misis ni Direl Paul Soriano, napanood niya ang pelikula 15 years ago sa mismong set ng romcom movie niyang “You Are the One” na idinirek ni Cathy Garcia Molina.

“Hindi ko makakalimutan ‘yun. Sabi ni Direk Cathy, panoorin mo ‘yung ‘Sassy Girl.’ Iyan ang peg namin sa ‘yo. Dapat ganyan ka, may pagka-feisty,” kuwento pa ni Toni sa isang panayam.

Samantala, hati naman ang reaksyon ng madlang pipol sa pagkakapili kina Toni at Pepe para sa Pinoy version ng “My Sassy Girl”. May mga pabor sa kanila pero marami rin ang kumontra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo ba mga ka-BANDERA, agree ba kayo na sina Toni at Pepe ang napiling lead stars sa nasabing classic Korean romcom o may iba pa kayong naiisip na perfect for the project?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending